Mga madalas na katanungan tungkol sa pahina ng bagong tao

Narito ang ilang mga madalas na katanungan tungkol sa bagong pahina ng tao sa Family Tree:

Bakit nasa ibaba ang Maikling Kasaysayan ng Buhay?

Ang Balangkas ng Buhay ay pinalitan ng pangalan Maikling Kasaysayan ng Buhay. Ito ay isang magandang lugar upang isulat ang tungkol sa buhay ng isang ninuno. Ito ay inilipat sa ilalim upang maiwasan ang mga tao mula sa paggamit nito bilang isang lugar upang makipag-usap sa ibang mga tagagamit. Kung kailangan mong makipag-usap sa ibang mga tagagamit, maging malaya na magsimula ng talakayan o gamitin ang katangian na bagong talang alerto sa markang Makipagtulungan.

Tandaan: Maaari mong gamitin ang Mga Kaayusan ng Aking Plano sa tuktok ng bahaging Mga Kagamitan sa markang Mga Detalye upang ilipat ang Maikling Kasaysayan ng Buhay pabalik sa itaas, ngunit binabago lamang nito ang iyong pagtingin sa pahina ng tao. Ang ibang tagagamit ay makikita pa rin sa ibaba ang kasaysayan ng buhay maliban kung ilipat din nila ito sa tuktok.

Nasaan ang mga oras at mapa?

Ang oras at mapa ay magagamit na ngayon upang tingnan sa markang Tungkol sa at sa kanan ng markang Mga Memorya.

Ano ang Ibang Mga Kaugnayan?

Ang katangian na Ibang Mga Kaugnayan ay ginagamit upang maitala ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga hindi nauugnay na mga taong madalas na nakalista ng magkasama sa mga talaang pangkasaysayan. Maaari mo ring gamitin ang katangiang ito upang maitala ang hindi malinaw o hindi maliwanag na mga kaugnayan ng mag-anak na ang eksaktong hanay ng koneksyon o inapo ay hindi nalalaman.

Mga Uri ng Ibang Mga Kaugnayang maaari mong idagdag ay kasama ang:

  • Pagsasanay sa Paggawa
  • Trabaho
  • Ninong at Ninang
  • Sambahayan
  • Kapitbahay
  • Kamaganak
  • Pagkaalipin

Magagamit ba ang katangian ng Ibang Mga Kaugnayan sa kasalukuyang bersyon ng pahina ng tao?

Hindi, ang katangian na Ibang Mga Kaugnayan ay hindi idadagdag sa kasalukuyang bersyon ng pahina ng tao.

Ano ang bagong markang Tungkol sa?

Ang markang Tungkol sa ay isang mahusay na paraan upang siyasatin ang buhay ng isang ninuno, tingnan ang kanilang kapanahunan, mag-anak, at ibang mga anyo ng kalinangan na ginagawang mas makatao ang mga ito. Ang pahina ng tao ay hindi lang isang lugar ng tambakan ng bulto-bulto na mga datos---ito ay nangangahulugan na sumasagisag sa buhay ng isang tunay na tao.

Maaari ko bang panatilihin ang paggamit ng kasalukuyang bersyon ng pahina ng tao?

Pagkatapos ng Marso 31, 2023, ang paglipat sa bagong pahina ng tao ay magiging permanente, at ang lumang pahina ng tao ay hindi na magagamit.

Maaari ba naming gawing bukod-bukod ang mga pagkukunan sa paggamit ng hilahin at ibagsak?

Ang tungkulin ng hilahin at ibagsak ay maaari kung ang ayos ng pag-bukod ay nakatakda sa Kaugalian. Pindutin ang buton ng Mga Pagpipilian, at pindutin ang Kaugalian. Dapat mo na ngayong hilahin at ibagsak ang mga pagkukunan.

Paano ako babalik sa lumang pahina?

Ang tali na buton upang lumipat sa lumang pahina ay magagamit hanggang Marso 31, 2023. Pagkatapos ng Marso 31, 2023, ang paglipat sa bagong pahina ng tao ay magiging permanente, ang tali na buton ay aalisin, at ang pahina ng lumang tao ay hindi na magagamit.

Paano ako gagamit ng tsart ng angkan at mga talaan ng pangkat ng mag-anak?

Ginagawang madali ng bagong pahina ng tao ang pag-limbag ng mga tsart ng angkan at mga tala ng mag-anak. Pumunta sa markang Mga Detalye, at pagkatapos ay mag-balumbon pababa sa bahaging Mga Kagamitan sa kanan upang mahanap ang buton ng Pag-limbag. Pindutin ang mag-limbag, at pagkatapos ay pindutin kung anong angkan ang gusto mong isulat. Ang limbag ng pahina ng tao ay napabuti rin. Upang makita ito, pindutin ang Mag-limbag pagkatapos ang Mga Detalye ng Tao.

Saan napunta ang pagpipilian upang baguhin ang gustong mga magulang o mga asawa?

Ang buton na Itakda ang Gusto ngayon ay nasa kailaliman ng bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak. Kung hindi lalabas ang buton, nangangahulugan ito na ang ninunong ito ay walang maraming asawa o mga magulang na mapagpipilian.

Paano gumagana ang Maikling Kasaysayan ng Buhay?

Ang Maikling Kasaysayan ng Buhay ay lumilitaw sa markang Tungkol sa at sa markang Mga Detalye. Ang markang Mga Detalye ay nagpapakita ng sulat-ng-tagagamit na kasaysayan ng buhay at ang markang Tungkol sa ay nagpapakita ng bersyon na binuo-ng-kompyuter. Ang bersyon na binuo-ng-kompyuter ay batay sa pangalan, petsa, kaugnayan, at ibang kabatiran sa markang Mga Detalye.

Sa markang Mga Detalye, ang mga tagagamit ay maaaring sumulat ng isang kasaysayan ng buhay at piliing gamitin ang bersyon na ito sa markang Tungkol sa kasaysayan ng buhay. Ang isang bersyon na binuo ng kompyuter ay hindi kusang lalabas sa markang Mga Detalye.

Magkakaugnay na Mga Lathalain

Ang bagong pahina ng tao sa Family Tree

moduleTitle