Ang mga pagkukunan ay nagbibigay sa atin ng patunay at minsan ay ka-wili-wili na mga kabatiran tungkol sa ating mga ninuno.
Mga Hakbang (website)
- Habang nakalagda sa FamilySearch, pumunta sa pahina ng Tao ng tao na may mga pagkukunan na nais mong tingnan.
Ipakita ang mga pagkukunan o mga pagkukunan ng kani-kanilang kaugnayan.
- Kung ang pagkukunan ay tungkol sa isang tao, pindutin ang markang Mga Pagkukunan o ang Mga Pagkukunan na pagpipilian sa Mga Kagamitan.
- Kung ang pagkukunan ay tungkol sa isang kaugnayang mag-asawa, pindutin ang markang Mga Detalye.Mag-balumbon pababa sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak, at pindutin ang markang mag-ayos na kasunod ng kabatiran ng kasal ng mag-asawa.
- Kung ang pagkukunan ay tungkol sa isang kaugnayang magulang-anak, pindutin ang markang Mga Detalye.Mag-balumbon pababa sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak, at pindutin ang markang Ayusin na kasunod ng pangalan ng bata.
- Kung ang pagkukunan ay tungkol sa ibang kaugnayan, pindutin ang markang Mga Detalye. Mag-balumbon pababa sa bahaging Ibang Mga Kaugnayan, at pindutin ang markang ayusin sa tabi ng pangalan.
- Upang makita ang karagdagang kabatiran, pindutin ang pamagat ng pagkukunan.
Mga Hakbang (mobile app)
- Sa Family Tree mobile app, pindutin ang pangalan ng kamaganak na gusto mong makita ang kaniyang mga pagkukunan.
- Pindutin ang markang Mga Pagkukunan.
- Upang tingnan ang marami pang pagkukunan, pindutin ang isang pamagat ng pagkukunan.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Ang katangian na Pagkukunan ay hindi magagamit sa Family Tree Lite.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ano-ano ang mga pakinabang ng pagdaragdag ng mga pagkukunan sa Family Tree?