Maligayang Pagdating sa Pagrepaso ng Mag-anak

Share

Ang pagsalin na rerepasuhin mo para sa gawaing ito ay gawa ng AI. Ang iyong gawain ay ikumpara ang pagsalin kasama ng litrato at ayusin ang anumang mga pagkakamaling nakita mo rito.

Ang mga alituntunin sa harang sa gilid ay gagabayan ka sa pagrepaso. Ang sumusunod ay isang kabuuang tanaw ng lahat ng gawain.

Hakbang 1: Hanapin ang Pangunahing Tao

Kilalanin ang pangunahing tao sa tala. Ito ang taong(o mga tao, ayon sa uri ng tala) sa gitna ng kaganapan—ang taong ipinanganak, halimbawa, o ang mag-asawang ikinasal.

Hakbang 2: Repasuhin ang Pangalan, Kasarian, at Kaugnayan

Patunayan na ang pangalan ng pangunahing tao, kasarian, at mga kaugnayan ay wastong isinulat sa pagsalin. Kung may nakita kang pagkakamali, maaari mo itong ayusin.

Patunayan na ang mga pangalan ng ibang mga taong nabanggit sa tala ay isinalin din nang tama.

  • Piliin ang kaugnayan na mag-ugnay sa kanila sa pangunahing tao.
  • Kung hindi mo makita ang tamang uri ng kaugnayan, piliin ang Iba.

Hakbang 3: Patunayan ang Mga Kaganapan

Kilalanin ang pangunahing kaganapan na nakasulat, at patunayan na ang lugar at petsang isinalin nang tama.

  • Ang pangunahing kaganapan ay dahilan sa pag-likha ng tala.
  • Halimbawa, ang pangunahing kaganapan sa isang sertipiko ng kapanganakan ay ang kapanganakan.

Ang mga talang pangkasaysayan ay kadalasang naglalaman ng kabatiran tungkol sa ibang mga kaganapan sa buhay, at naayon sa uri ng tala, maaaring hilingin sa iyong patunayan din ang mga ito. Ang mga ito ay tinatawag na palagay na mga kaganapan Ang isang halimbawa ng isang palagay na kaganapan ay maaaring isang petsa ng kapanganakan na nakalista sa isang sertipiko ng kasal.

Hakbang 4: Repasuhin at Ibigay

Bago pindutin ang Ibigay , maglaan ng ilang sandali upang repasuhin ang iyong gawa. Suriin mabuti ang iyong mga pagwawasto at hanapin ang mali na maaaring nalampasan mo. Ito ay isang huling pagkakataon upang matiyak ang katumpakan ng pagsalin.

Nakatulong ba ito?