Maaaring umiral ang tatlong uri ng mga maling nakikitang larawan kapag tinitingnan ang mga talang pangkasaysayan ng FamilySearch
Larawang Hindi Magagamit para sa ilang mga larawan sa digitized na pelikula
Maaaring mangyari ang problemang ito kapag tinitingnan mo ang mga maliliit na larawan ng koleksyon. Sinusubukan mong buksan ang larawan ngunit nakatanggap ng mensahe sa halip na nagsasabing “Walang Larawan.” Ang problema ay naiiba sa pagtingin ng “Larawang Hindi Magagamit” para sa lahat ng mga larawan ng isang buong koleksyon.
Ang "Larawang Hindi Magagamit" ay katulad ng nasa larawan. Mangyaring bigyan-pansin na karamihan sa mga larawan ay maaring magamit, ngunit ang ilan ay nagpapakita ng mensaheng Walang Larawan. Ang kamalian ay hindi maaaring gamitin kapag ang lahat ng larawan ay nagpapakita ng Larawang Hindi Magagamit.
Malabo o hindi nababasa
Ang maliit na larawan ay mukhang nababasa. Ngunit kapag pindutin mo upang palakihin ang larawan, malabo o hindi nababasa ang mas malaking larawan.
Halimbawa ng larawang malabo:
Larawang abo
Kapag pindutin mo upang palakihin ang isang maliit na larawan, ang larawang mas malaki ay maaaring pinalitan o bahagyang tinakpan ng abo na kulay.
Iulat ang mga problema
Para sa mga problemang ito, mangyaring hanapin ang larawan sa bagong taga-tingin ng larawan. Kung nakita mo ang parehong problema roon, gamitin ang buton na Puna.
- Hanapin at kopyahin ang bilang ng pelikula sa itaas ng kaliwang bahagi ng taga-tingin ng larawan. Bigyang pansin ang bilang ng larawan.
- Buksan ang Saliksikin ang Mga Larawang Pangkasaysayan
- Sa kanan ng bughaw na buton na Hanapin pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
- Sa larangan ng Pangkat na Bilang ng Larawan (DGS), ilagay ang bilang ng pelikula at pindutin ang Maghanap.
- Pindutin ang Pangkat na Bilang ng Larawan sa mga kinalabasan ng paghahanap.
- Maglayag sa bilang ng larawan ng pagkabahala.
- Sa kaliwang gilid ng tabing, hanapin at pindutin ang buton ng Puna
- Pindutin ang isang maliit na mukha sa mga mukhang lumilitaw.
- Punan at ibigay ang porma. Ang iyong ulat ay tuwirang pumupunta sa koponan na nagpapanatili sa aming mga larawan ng tala.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ano ang gagawin kapag ang isang larawan ay masyadong malaki o masyadong maliit, ta-gilid, o mahirap basahin
Saan ko hahanapin ang bilang ng pelikula para sa isang larawang tala?