Upang tumulong sa paglutas ng ilang mga problema, ang tauhan ng Suporta ng FamilySearch ay gumagamit ng remote control session. Ang kagamitan ay pinapayagan ang kasaping tauhan ng Suporta ng FamilySearch na matingnan ang iyong kagamitan.
Mga Hakbang (website)
- Upang masimulan ang isang remote session sa iyong kagamitan, buksan ang browser at pumunta sa https://www.familysearch.org/remote/
- Pindutin ang Splashtop SOS
- Upang makuha at patakbuhin ang programa, gamitin ang mga alituntunin sa tabing.
- Kapag nakita mo ang 9-digit session na kodigo, ibigay ito sa ahente ng Suporta ng FamilySearch.
- Pindutin ang Magsimula Ngayon.
Hanapin at ilunsad ang Splashtop SOS sa Ibat ibang mga Browser
- Google CHrome:Sa bintana ng katiwayasan sa mababang kaliwa ng bintana, pindutin ng dalawang beses ang SplashtopSOS. Sa bintana na lumilitaw, pindutin ang Oo.
- Microsoft Edge: Sa kahon sa ilalim ng tabing, pindutin ang Patakbuhin.
- Mozilla Firefox: Sa kahon na lumilitaw, pindutin ang Ipunin ang Salansan. Pindutin ng dalawang beses ang SplashtopSOS. Sa bintana na lumilitaw, pindutin ang Patakbuhin.
- Safari: Sa kahon na lumilitaw, pindutin ang Patakbuhin. Pindutin ang Patakbuhin sa bagong bintana.
Mga Hakbang(mobile)
Upang payagan ang isang ahente na suportang malayuan na ikonekta sa iyong mobile na kagamitan, kunin ang SOS Splashtop app sa iyong kagamitan.
Mga hakbang para sa Apple iOS na kagamitan
- Buksan ang App Store.
- Magsaliksik para sa Splashtop SOS.
- Pindutin ang kunin at saka pindutin ang Ilagay.
- Kung may hudyat, lumagda sa paggamit ng iyong Apple ID.
- Pindutin upang mabuksan ang SOS.
- Ibigay ang 9-digit session na kodigo sa ahente ng suporta.
Mga hakbang para sa Android na kagamitan
- Buksan ang Play Store.
- Maghanap para sa Splashtop.
- Pindutin ang Splashtop SOS.
- Pindutin ang Ilagay.
- Pindutin upang mabuksan ang SOS-Splashtop.
- Basahin ang mga tulong at pindutin ang kahon. Pagkatapos pindutin ang OK.
- Ibigay ang 9-digit session na kodigo sa ahente ng suporta.