Ang jiapu ay isang maramihang salinlahi ng tala ng mag-anak na pinanatili ng isang angkan na Intsik. Ang geneology ay karaniwang nagsisimula sa isang paglalarawan ng unang ninuno. Malalaman mo kung sino siya, saan siya nakatira, at kung ano ang ginawa niya. Pagkatapos ay makikita mo ang mga anak ng unang ninuno, apo, mga apo sa tuhod, at iba pa.
Ang FamilySearch ay mayroong higit sa 65,000 jiapu para magamit sa website nito. Ang bawat jiapu ay maaaring ilista ang sampung libong mga pangalan ng tao. Bagaman hindi pa na-indeks ang mga pangalan ng tao, maaari kang makahanap ng jiapu ng Intsik sa FamilySearch sa paggamit ng isang pasadyang paghahanap.
Tandaan: Kamakailan ay itinigil ng Internasyonal na FamilySearch ang paggamit sa ilang mga talaan ng mag-anak na Intsik habang nirerepaso nito ang mga pag-unlad na may kinalaman sa mga pansariling batas, kasunduan sa kontrata at kinakailangang mga teknolohiya. Salamat sa iyong pang-unawa at patuloy na suporta.
Mga Hakbang (website)
- Habang nakalagda sa FamilySearch.org, pindutin ang Maghanap.
- Pindutin ang Mga Larawan.
- Mag- layag sa paghanap ng larawang Intsik.
- Kung ang iyong browser ay nakatakda upang gumana sa Intsik, kusa kang ipapadala sa paghahanap ng jiapu.
- Kung nakatakda ang iyong browser na gumana sa ibang wika, ilagay ang Tsina sa larangan ng Pook, at pindutin ang Maghanap.
- Hanapin ang tiyak na jiapu na gusto mo.
- Gamitin ang mapa upang maglayag sa pook kung saan nagmula ang iyong angkan.
- Sa kanang panig, maaari mong mahanap at pindutin ang isang pangalan sa listahan.
- Upang humanap sa paggamit ng ninunong marangal, ilagay ang pangalan sa kanang panig sa larangan ng paghahanap ng Apelyido.
- Upang maghanap ayon sa bulwagan ng ninuno, mga saligang-salita, o mga salita mula sa tula ng salinlahi, sa tuktok ng kanang panig, pindutin ang tali na Maunlad na Paghanap. (Kapag kumilos, ang tali ay bughaw.)
- Sa listahan ng mga kinalabasan sa paghahanap, pindutin ang isang pamagat.
- Pindutin Tingnan ang mga Larawan.
- Upang lumipat sa mga larawan, ilipat ang daga sa kaliwa o kanan ng isang larawan at pindutin ang palaso.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko hahanapin ang lahat ng koleksyon ng talang Intsik, hindi lang ang jiapu?
Ano-ano ang ka-galang-galang na ninuno, bulwagan ng ninuno, batayang-salita, at salin-lahing tula sa jiapu?