Paano ko idadagdag ang isang larawan sa isang usapan sa Usapang FamilySearch?

Maaari mong isama ang mga larawan sa mga usapang ipinadala mo sa pamamagitan ng Mga Usapang FamilySearch, kabilang ang mga larawan at kasulatang nasa iyong galeriya. Maaari ka ring maglagay ng isang bagong larawan mula sa iyong kompyuter o kagamitan.

Paalaala: Kung naglagay ka ng isang bagong larawan, sinusuri ito bago ito makita sa Usapan. Ang pinakamalaking sukat ng bawat isang larawan ay 15 MB. Ang larawan ay dapat na nasa pamantayan sa Kasunduan sa Pagbigay at Mga Gabay sa Paglagay at Mga Patakaran.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok, kanang sulok ng tabing, pindutin ang markang Usapan (2 magkakasabay na mga kahon ng pagsasalita sa tabi ng iyong pangalan).
  3. Pumili ng isang kontak sa iyong listahan ng mga kamakailan na mga kontak o pindutin ang Lumikha ng Pansariling Usapan sa kaliwang sulok sa tuktok. Upang magdagdag ng isang kontak:
    1. Ilagay ang FamilySearch na balangkas ng tao. Kung hindi mo alam ang balangkas, tanungin ang tao para sa kinakailangang kabatiran.
      Tandaan: Lumilitaw ang isang ugnay sa unang pagkakataon na makipag-usap ka sa isang tao. Kopyahin ang ugnay at ipadala sa tao sa pamamagitan ng email o teksto.
    2. Pindutin ang pangalan ng tao at simulang isulat sa kahon ang Mensahe [Kontak na Pangalan ng Tao].
  4. Ang kahon kung saan mo isinusulat ang iyong usapan ay nasa ibaba ng tabing. Sa ilalim ng kahon na ito ay 3 mga marka. Pindutin ang markang larawan na nais mong ibahagi.
    1. Ibahagi ang Memorya: Ang marka ay lumilitaw bilang isang puno. Pumili ng isa o higit pang mga memorya mula sa iyong Galeriya. Upang ikabit ang mga larawan, pindutin ang Kumuha.
    2. Maglagay ng Larawan sa Usapan: Lumilitaw ang markang ito bilang isang larawang nasa kuwadro. Pindutin ang markang larawan. Upang ikabit ang isang larawan, piliin ang larawan at pindutin ang Buksan.
  5. Upang ipadala ang mga larawan, pindutin ang pana na ipadala.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Lumagda sa Family Tree app.
  2. Buksan ang tabing na menu.
    1. Android: Sa kaliwang sulok sa tuktok ng tabing, pindutin ang 3 harang.
    2. Apple: Sa kanang sulok sa ibaba ng tabing, pindutin ang 3 harang.
  3. Pindutin ang Usapan.
  4. Lumilitaw ang iyong mga usapan. Mag-balumbon sa listahan ng mga usapan hanggang sa mahanap mo ang taong nais mong padalhan ng larawan.
  5. Pindutin ang pangalan.
  6. Pindutin ang markang larawan.
  7. Lumilitaw ang bintana na “Magdagdag Mula Sa”. Piliin ang isang nasa mga sumusunod:
    • Kumuha ng Larawan: Gamitin ang iyong kamera upang kumuha ng larawan. Upang tanggapin ang larawan, pindutin ang markang tsek. Upang muling kunin ang larawan, pindutin ang x at muling kunin ang larawan.
    • Ang Aking Mga Larawan (Android) o Gulong ng Kamera (Apple iOS): Pindutin hanggang sa 2 bagay na nasa mga kagamitang Android; 1 bagay na nasa mga kagamitang Apple iOS. Sa isang kagamitang Android, pindutin ang Idagdag. Sa isang kagamitang Apple iOS, pindutin ang Ipunin.
    • Aking Mga Salansan: Upang magdagdag, pindutin ang 1 bagay. Sa isang kagamitang Apple iOS, pindutin ang Ipunin.
    • Aking Galeriya ng FamilySearch:
      • Sa mga kagamitang Apple iOS, pindutin ang Pumili hanggang 3 bagay. Sa luntian na harang sa tuktok, pindutin ang 3 tuldok. Pindutin ang Ikabit
      • Sa mga kagamitang Android. Pindutin ang mga bilog para hanggang sa 3 bagay. Pindutin ang Ipunin.
  8. Upang ipadala ang mga larawan, pindutin ang pana na ipadala.

    Mga Hakbang (Family Tree Lite)

    Hindi sinusuportahan ng Family Tree Lite ang Usapang FamilySearch. Sa halip, gamitin ang buong FamilySearch.org website.

Nakatulong ba ito?