Kung ang Family Tree ay hindi nagbibigay ng larangan para sa uri ng kabatirang gusto mong idagdag, maaari mong idagdag ang iyong sariling nakasanayang larangan.
Ang mga kaganapang kostumbre ay mas nakatutulong kung ito ay matutugunan ang mga sumusunod na pamantayan:
- Ang kabatiran ay makahulugan.
- Ang kabatiran ay tumutulong na makilala ang tao mula sa ibang mga taong mag-katulad ng mga pangalan.
- Ang kabatiran ay kapakipakinabang para sa pagkilala ng mga talaan ng tao.
Isagawa ang Mga Sumusunod na Hakbang upang magdagdag ng kaganapang kostumbre o katotohanan:
- Lumagda sa Family Tree, https://familysearch.org/tree.
- Pumunta sa pahina ng Mga Detalye para sa taong gusto mong dagdagan ng kaganapang kostumbre.Magagawa ito sa paggamit ng Hanapin ang utos, sa pamamagitan ng paggamit ng bagsak-baba na listahan ng tao, o sa pamamagitan ng paglipat sa taong naroon na sa Puno o pahina ng Mga Detalye.
- Ilipat sa bahaging kaganapang kostumbre.Ito ay matatagpuan sa ilalim ng pamagat na Ibang Kabatiran.Mahahanap mo ang pamunuang ito sa pamamagitan ng pag-diin sa H hanggang sa marinig mo ang "Ibang Kabatiran." Maaari ka ring lumipat sa "Ibang Kabatiran" sa paggamit ng JAWS Virtual Find na utos o mula sa listahan ng Mga Pamunuan.
- Idiin ang Palaso na Pababa upang lumipat sa Ugnay na Idagdag sa ilalim ng Ibang Kabatiran, at idiin ang Ilagay upang piliin ito.Sa puntong ito, hindi ipapakita ng JAWS ang listahan ng mga kaganapan na kostumbre na ipinapakita sa tabing.Gayunpaman, uulitin ng JAWS ang pangalan ng ugnay upang ipaalam sa iyo na napili ito.
- Dalhin ang JAWS sa PC at idiin ang Pababa na Palaso ng 2 o 3 beses upang ipakita ang listahan ng mga kaganapan.Magsasalita ang JAWS sa una o pangalawang bagay ng listahan.Karaniwang tumatagal ng ilang segundo bago maipakita ang listahan.
- Ilipat ang pansin sa PC cursor.Upang gawin ito, dalhin ang PC cursor sa JAWS cursor.
- Idiin ang Pababa na Palaso upang lumipat sa kaganapan o katotohanan upang idagdag, at idiin ang Ilagay upang ilabas ang mga lugar para sa kaganapan.Kung ang kaganapan o katotohanan na gusto mong idagdag ay wala sa listahan, piliin ang Kaganapang Kostumbre o Katotohanang KostumbreKung kailangan mo ng mga larangan ng petsa at lugar, piliin ang Kaganapang Kostumbre.Kung hindi, piliin ang Katotohanang Kostumbre.
- Idiin ang Marka upang lumipat sa mga larangan, at ilagay ang kabatiran sa bawat larangan.Ang lahat ng mga larangan ay may tatak.
- Pagkatapos mong ilagay ang lahat ng kabatiran, idiin ang Marka hanggang sa maabot mo ang larangang Ipaliwanag kung bakit sa palagay mo ay tama ang kabatirang ito, at ibigay ang hiniling na kabatiran.
- Idiin ang Marka upang lumipat sa buton na Ipunin, at idiin ang Spacebar upang piliin ito.Kung magpapasya kang huwag ipunin ang kaganapang kostumbre, idiin ang Marka upang lumipat sa ugnay na Kanselahin, at idiin ang Ilagay upang piliin ito.Matapos piliin ang Ipunin na buton o ang Kanselahin na ugnay, ibabalik ka sa pahina ng Mga Detalye ng tao.
Tandaan: Kung nahihirapan kang makakuha ng JAWS na ulitin ang "Magdagdag ng ugnay" pagkatapos mong piliin ito, o kung hindi mo mailabas ang listahan ng kaganapang kostumbre kapag dinadala mo ang JAWS cursor sa PC cursor, subukang ibalik ang pahina.Upang gawin ito, idiin ang Alt+Spacebar upang ilabas ang menu ng kaparaanan na sinusundan ng R upang ibalik ang pahina.
Mga utos ng JAWS na sangguni sa kasulatang ito:
H : Ilipat sa susunod na pamunuan.
Insert+Num Pad Minus : Dalhin ang JAWS cursor sa PC cursor.
. Insert+Num Pad Plus : Dalhin ang PC cursor sa JAWS cursor.
Insert+F6 : Ilista ang mga HTML na mga pamunuan sa pahina.
Insert+Ctrl+F : Pakilusin ang tutoong paghahanap ng JAWS.
Ilagay: Pakilusin ang nakatuon na ugnay.
Spacebar : Pakilusin ang buton o baguhin ang katayuan ng tsek na kahon o ang nakatuon na buton ng radyo.