Paano ko ihahanda ang isang aralin sa Planner?

Ang Planner ay makakatulong sa iyong magtakda ng pa-isa-isang aralin upang matulungan ang mag-anak/pamilya o isang taong marating ang mga layuning family history. Maaari kang lumikha lamang ng mga panukalang aralin sa salin ng website ng Planner.

Paalaala: Ang Planner ay kasalukuyang makukuha sa Kastila, Portuges, Pranses, Aliman, Italyano, Russo, Katutubong Intsik, Koreano, at Hapones.

Mga panukala sa pag-access

  1. Lumagda sa FamilySearch.org, at pumunta sa Katulong na Mga Pamulaan.
  2. Sa kanan, hanapin ang bahaging Planner. Kung ang bahaging Planner ay hindi lumilitaw, pindutin ang Subukan ito.
  3. Pindutin ang isang pangalan sa listahan. Kung walang listahan ng mga pangalan ay lumilitaw, lumundag sa susunod na hakbang.
  4. Sa kaliwa, pindutin ang Mga Plano.

Lumikha ng bagong panukalang aralin.

  1. Pindutin ang Lumikha ng Bago.
  2. Ilagay ang pamagat ng panukala.
  3. Ilagay ang pangalan ng mag-anak o taong tutulungan mo.
  4. Ilagay ang pangalan ng ninuno o mag-anak na balak mong ituon ang iyong pansin.
  5. Pindutin ang Magdagdag ng Daan ng Kaugnayan.
    1. Ilagay ang ID ng ninunong itinuon mo ang iyong pansin at pindutin ang Idagdag.
    2. Maaari mong buksan ang tsart ng kaugnayan sa plano.
  6. Ilagay ang iyong panukalang aralin.
  7. Sa kanang itaas, pindutin ang Save.

Mag-ayos ng plano.

  1. Pindutin ang pangalan sa Planner.
  2. Pindutin ang Mga Plano.
  3. Pindutin ang pamagat ng plano.
  4. Gumawa ng mga pagbabago at pindutin ang Save.
  5. Upang matanggal ang plano, pinduti ang Actions at pindutin ang Tanggalin.

Ibahagi ang panukala

Sa Planner, makikita mo lamang ang mga panukalang aralin na nilikha mo. Upang maibahagi ang kopya sa taong tinulungan mo, maipiprinta mo ang iyong plano. O maaari mong i-download ito at ipadala bilang isang email.

  1. Sa kaliwang tuktok ng plano, pindutin ang Actions.
    1. Pindutin ang Magprinta ng kopyang papel upang maibahagi.
    2. Pindutin ang Download para sa kopyang elektronik na maaari mong ibahagi sa pamamagitan ng email.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako magtatala sa Planner?

    Nakatulong ba ito?