Kapag nakikita ng FamilyTree ang hindi maaari o malamang na hindi mga datos para sa isang tao, ipinapakita nito ang markang problemang mga datos. Ang marka ay isang pulang pari-sukat na may puting tanda ng pag-ka-bigla.
Ang talahanayan ang naglilista sa lahat ng problemang mga datos, inilalarawan kapag lumilitaw ang mga ito, at nagsasabi kung maaari mong tanggalin ang mga ito.
Problema sa Mga Datos | Paglalarawan | Maaaring tanggalin? |
Kapanganakan pagkatapos ng Kamatayan ng Tatay | Ang kapanganakan ng anak ay mas huli kaysa sa kamatayan ng tatay. | Hindi |
Kapanganakan pagkatapos ng mga Taon ng Panganganak ng Nanay | Ang kapanganakan ng anak ay pagkatapos na naging 52 ang nanay, na talagang mga taon ng katapusan ng panganganak. | Oo |
Kapanganakan pagkatapos ng Kamatayan ng Nanay | Ang taon ng kapanganakan ng anak ay mas huli kaysa sa taon ng kamatayan ng nanay. | Hindi |
Kapanganakan bago ang Tatay ay Maaaring Magkaroon ng Mga Anak | Ang taon ng kapanganakan ng anak ay bago naging 12 taon gulang ang tatay. | Hindi |
Kapanganakan bago ang Nanay ay Maaaring Magkaroon ng Mga Anak | Ang taon ng kapanganakan ng anak ay bago naging 12 taon gulang ang nanay. | Oo |
Ipinanganak pagkatapos ng Kasal | Ang taon ng kapanganakan ng tao ay pagkatapos ng taon ng kasal. | Hindi |
Kapanganakan Pagkatapos ng Kamatayan ng Asawa | Ang taon ng kapanganakan ng tao ay pagkatapos ng taon ng kamatayan ng asawa. | Hindi |
Ang Anak ay Ipinanganak bago ang Tatay | Ang taon ng kapanganakan ng anak ay bago ang taon ng kapanganakan ng tatay. | Hindi |
Ang anak ay ipinanganak bago ang Nanay | Ang taon ng kapanganakan ng anak ay bago ang taon ng kapanganakan ng nanay. | Hindi |
Ang Anak ay Bininyagan bago ang Tatay | Ang taon ng pagbibinyag sa anak ay nakalista bago ang taon ng kapanganakan ng tatay. | Hindi |
Ang Pagbibinyag sa Anak bago ang Nanay | Ang taon ng pagbibinyag sa anak ay nakalista bago ang taon ng kapanganakan ng nanay. | Hindi |
Kamatayan ng Bata bago ang Ama | Ang taon ng kamatayan ng bata ay bago ang taon ng kapanganakan ng ama. | Hindi |
Kamatayan ng Bata bago ang Ina | Ang taon ng kamatayan ng bata ay bago ang taon ng kapanganakan ng ina. | Hindi |
Hindi Tugma ang Mga Anak | Ang tao ay mayroong mga anak ngunit sa katotohanan ay nakalista bilang “Walang Mga Anak.” Ang mag-asawa ay mayroong mga anak ngunit sa katotohanan ay nakalista bilang “Walang Mga Anak.” | Hindi |
Pagbibinyag bago ang Tatay ay Maaaring Magkaroon ng Mga Anak | Ang taon ng pagbibinyag sa anak ay nakalista na nangyari bago man lang ang 12 taon ang tatay. | Hindi |
Nabinyagan bago ang Nanay ay Maaaring Magkaroon ng Mga Anak | Ang taon ng pagbibinyag sa anak ay nakalista na nangyari bago maging 12 taon ang nanay. | Hindi |
Kamatayan bago ang Taon ng Kapanganakan | Ang taon ng kamatayan ng tao ay bago ang taon ng kapanganakan. | Hindi |
Kamatayan bago ang Araw ng Pagbibinyag | Ang taon ng pagbibinyag sa anak ay nakalista bago ang taon ng kapanganakan ng tatay. | Hindi |
Kamatayan bago ang Asawa ay Ipinanganak | Ang taon ng kamatayan ng tao ay bago ang taon ng kapanganakan ng asawa. | Hindi |
Taon ng Kamatayan bago ang Kasal | Ang taon ng kamatayan ng tao ay bago ang taon ng kasal. | Hindi |
Namatay ng batang-bata para sa Kasal o Mga Anak | Ang tao ay may kabatiran ng kasal o mga anak, ngunit ang tao ay namatay ng 8 taong gulang o mas bata. | Oo |
Walang-bisang Mga Katauhan | Ang Mahalagang pangalan ay naglalaman ng walang bisang mga katauhan. | Oo |
Walang-bisang Mga Katauhan | Ang Mahalagang pangalan ay naglalaman ng walang bisang pa-ulit-ulit na mga katauhan. | Oo |
Lalaki o Babae ay Kailangan | Tukuyin ang kasarian ng taong ito. | Hindi |
Silong Angkan | Ang tao ay mayroong isang anak na nakalista rin bilang isang magulang. | Hindi |
Hindi Tugma na Kasal | Ang tao ay kasal o namuhay na magkasama ngunit may katibayang nakalista bilang “Hindi Kailanman Ikinasal.” | Hindi |
Ikinasal bago 12 Taong Gulang | Ang asawa ay kulang na 12 taong gulang sa panahon ng kasal. | Oo |
Nawawalang Pamantayan sa Araw ng Pangyayari o Pook | Ang araw o pook ng pangyayari, gaya ng kapanganakan, kasalan, o kamatayan, ay hindi pamantayan ayon sa batay-na-mga datos, ito ay nagpapahirap sa pananaliksik. | Hindi |
Taong mahigit na 120 Taong Gulang | Masyadong matanda ang tao upang maging isang buhay. Ang petsa ng kapanganakan ay mahigit na 120 taon na ang nakalilipas. | Hindi |
Maaaring Dobleng Anak | Ang kabatiran tungkol sa 2 o mahigit pang mga anak ay magkatulad: Ang pangalan ay pareho. Ang taon ng kapanganakan ay pareho o nawawala. Ang taon ng kamatayan ay pareho o nawawala. Ang ayos ng pamumuhay ay pareho. | Oo |
Maaaring Dobleng Mag-asawa | Ang kabatiran tungkol sa 2 o mahigit pang mga asawa ay magkatulad: Ang pangalan ay pareho. Ang taon ng kapanganakan ay pareho o nawawala. Ang taon ng kamatayan ay pareho o nawawala. Ang ayos ng pamumuhay ay pareho. | Hindi |
Taong Muling Umiiral | Ang tao ay lumilitaw sa mahigit na isang pook sa angkan, ngunit wala sa isang silong angkan. | Oo |
Suliranin sa Panganganak ng Patay | Ang tala ng tao ay naglalaman ng isang panganganak-ng- patay na pangyayari, ngunit ang mahahalagang petsa ay nagpapakita na ang tao ay namuhay nang mahigit na isang taon. | Hindi |
Problema sa Pangalan ng Wika | Ang mga katao sa larangan ng pangalan ay hindi tugma sa laminang wika. | Hindi |
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko pagsamahin ang dobleng mga tala sa Family Tree kapag mayroon dobleng pagkukunan ang mga ito?
Paano ko lulutasin ang isang problema sa mga datos na “panganganak-ng-patay” sa Family Tree?
Paano ako hihiling ng pag-lagay-sa-panahon sa saligang-mga-datos ng mga pamantayang pook?
Paano ko lulutasin ang isang silong angkan sa Family Tree?
Sa Family Tree, paano ko lulutasin ang problemang mga datos, “Problema sa Pangalan ng Wika”?