Paano ako kukuha ng isang screenshot upang mai-post sa FamilySearch Community?

Windows 10

  1. Buksan ang pahinang gusto mong kunan ng screenshot.
  2. Sa kaliwang ibaba ng iyong keyboard, idiin ang Windows ikon.
  3. I-type ang snipping tool at idiin ang Enter.
  4. Kapag bumukas ang application window, pindutin ang New.
  5. Gamitin ang iyong daga ( ngayon nakalantad na isang + o crosshair pointer) at kaladkarin ang kahon sa paligid ng lugar na gusto mong kunan.
  6. Pindutin ang Save ikon.
  7. Mag-type ng isang pangalan, at piliin ang lugar na gusto mong maipon sa salansan.

Mga MAC na kompyuter

  • Upang makunan ang buong screen, idiin ang Command (⌘)+Shift+3. Iipunin ng kompyuter ang screenshot sa desktop.
  • Upang makunan ang bahagi ng screen, idiin ang Command (⌘)+Shift+4, at saka kaladkarin ang crosshair pointer upang piliin ang lugar na gusto mong maipon. Hawakan ang Shift, Pamilian, o ang Space bar habang kinakaladkad mo upang baguhin ang sukat o ilipat ang lugar ng pagpipilian. Upang makaltas, idiin ang Escape (esc) bago mo pakawalan ang buton ng daga.
  • Upang makunan ang isang partikular na window, idiin ang Command (⌘)+Shift+4, pagkatapos idiin ang Space bar. Ilipat ang pointer ng kamera sa window upang mai-highlight ito, at pagkatapos pindutin.

Mga device na iOS na may home button

  1. Buksan ang screen na gusto mong makunan.
  2. Idiin ang Lock (o power) na buton at ang Home Screen na buton ng sabay.
    1. Kung ang device mo ay walang Home Screen na buton, idiin ang buton na volume at Lock ( o power) na buton ng sabay.
  3. Iipunin ng device ang screenshot pati ang iyong mga litrato.

Android mobile devices

Kung ang iyong device ay walang pisikal na home button, gamitin ang mga hakbang na ito:

  1. Buksan ang screen na gusto mong makunan.
  2. Idiin at hawakan ang Lock (o power) na buton at ang Volume down button ng sabay.
  3. Iipunin ng device ang screenshot sa iyong mga litrato o galeriya, depende sa iyong device.

Kung ang device mo ay mayroong pisikal na Home button, gamitin ang sumusunod na mga hakbang:

  1. Buksan ang screen na gusto mong makunan.
  2. Idiin at hawakan ang Lock (o power) na butonat ang Home Screen button ng sabay.
  3. Iipunin ng device ang screenshot sa iyong mga litrato o galeriya, depende sa iyong device.

Pagpapadala ng screenshot sa FamilySearch Community

  1. Lumikha ng mensahe o katanungan sa FamilySearch Community.
  2. Sa kaliwang ibaba ng kahon na pinaglagyan mo ng mensahe, pindutin ang photo ikon.
  3. Hanapin at pindutin ng dalawang beses ang screenshot mo.
  4. Tapusin ang iyong post at pindutin ang Ask Question o Save o Post/discussion.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako magtatanong o magbibigay ng mga kasagutan sa FamilySearch Community?

Nakatulong ba ito?