Mangyaring ikabit ang lahat ng mga pahiwatig na tala, kahit lumilitaw na mga doble para sa parehong tao. Huwag markahan ang mga ito bilang "Hindi Tugma."
Kung titingnan mo ng maigi ang bawat pahiwatig, karaniwan mong matutuklasan ang mga pagkakaiba.
Bakit umiiral ang mga pahiwatig na tala
Tila ang mga doble ay nangyayari para sa maraming mga dahilan:
- Ang tala ay na-indeks nang higit sa isang beses.
- Ang kaganapan ay lumilitaw sa higit sa isang koleksyon. Halimbawa, ang parehong tala ng kasal ay maaaring lumitaw sa isang koleksyon ng kasal sa bayan at isang koleksyon ng kasal sa lalawigan.
- Ang tala ay kinunan ng larawan ng higit sa isang beses.
- Ang koleksyon mismo ay naglalaman ng mga dobleng mga tala.
Ano ang gagawin tungkol sa mga dobleng pahiwatig na tala
Tingnan ang URL ng bawat pahiwatig na tala. Ang bawat isa ay dapat na mayroong isang pagkakaiba at walang katulad na URL.
- Kung ang doble ay mayroong isang walang katulad na URL ngunit hindi tungkol sa tao, markahan bilang Hindi Tugma.
- Kung ang doble ay mayroong isang natatanging URL at ito ay tungkol sa tao, pindutin ang Muling Suriin at Ikabit gaya sa dati. Alalahanin na kapag tinanggal mo ang mga doble, mapipigilan nito ang pagpapahiwatig ng kaparaanan mula sa paghahanap ng mga pahiwatig na tala para sa tao sa hinaharap.
- Kung ang doble ay may parehong URL gaya sa ibang pahiwatig na tala, mangyaring kontakin ang Suporta ng FamilySearch.