Sa Family Tree, paano ko isisingit ang isang nawawalang salinlahi?

Share

Kung natuklasan mo na ang buong salinlahi ng isang hanay ng mag-anak ay nalaktawan, maidaragdag mo ito sa Family Tree.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa Family Tree, magpunta sa pahina ng tao ng anak na nagpapakita ng maling mga magulang.
  2. Kung hindi mo makita ang Balangkas ng Buhay at Mga Mahahalaga, pindutin ang Mga Detalye malapit sa tuktok ng kaliwang bahagi ng tabing.
  3. Magbalumbon pababa sa Mga Kasapi ng Mag-anak. Isulat ang mga bilang ng ID ng mga magulang na kasalukuyang nagpapakita sa tala, upang maidagdag mo ang mga ito sa kahulihan bilang mga nuno ng anak.
  4. Pindutin ang lapis na ikon sa tabi ng pangalan ng anak sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak sa tabi ng Mga Magulang at Mga Kapatid.
  5. Pindutin ang Magtanggal o Magpalit sa kanan ng pangalan ng anak.
  6. Sa tabing ng Magtanggal o Magpalit, pindutin upang masuri ang kahon na nagpapahiwatig na muli mong sinuri ang mga kaugnayan, mga pamulaan, at mga paalaala para sa mga tao.
  7. Upang matanggal ang maling mga magulang at hanapin o idagdag ang wastong mga magulang, pindutin ang Palitan ang Mga MagulangPaalaala: Pakatapos na mapalitan mo ang mga magulang, pakisuring muli ang mga paalaala at mga pamulaan upang makita kung kailangan mong baguhin ang mga ito.
  8. Idagdag ang mga nuno bilang mga magulang ng kabagu-baging idinagdag na nanay o tatay.

Mga Hakbang(mobil)

  1. Sa Family Tree mobile app, maglayag sa pahina ng tao ng anak.
  2. Tapikin ang tab na Mga Magulang.
  3. Tapikin ang lapis na ikon sa tabi ng pangalan ng anak sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak.
  4. Tapikin angMaling Mga Magulang.
    • Android: Ilagay ang iyong katuwiran sa pagbabagong ginawa mo, at saka tapikin ang Magtanggal.
    • iOS: Tapikin ang Magpatuloy, at saka ilagay ang iyong katuwiran sa ginawa mong pagbabago. Tapikin ang Magtanggal.
  5. Maglayag pabalik sa pahina ng tao ng anak, at tapikin ang Idagdag ang Magulang.
  6. Maglagay ng kabatiran upang magsaliksik, at idagdag ang tumpak na pares ng mga magulang. Tapikin ang Maghanap Ayon sa ID, at idagdag ang mga ito ayon sa kanilang mga bilang ng ID. Paalaala: Pakatapos na mapalitan mo ang mga magulang, pakisuring muli ang mga paalaala at mga pamulaan upang makita kung kailangan mong baguhin ang mga ito.
  7. Idagdag ang mga nuno bilang mga magulang ng kabagu-baging idinagdag na nanay o tatay.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Sa Family Tree Lite, maglayag sa pahina ng tao ng anak.
  2. Ipindot Tingin ang Pamilya.
  3. Sa bahaging Mga Magulang at Mga Kapatid, sa tabi ng pangalan ng anak, pindutin ang lapis na ikon.
  4. Sa bahagi ng kahon ng Anakna lilitaw, pindutin ang Magtanggal o Magpalit. (Huwag pindutin ang Magtanggal o Magpalit sa mga bahaging Tatay o Nanay.)
  5. Muling suriin ang mga kaugnayan, mga pamulaan, at mga paalaala, at saka pindutin ang Magpalit.
  6. Magsaliksik para sa at idagdag ang mga magulang. Paalaala: Pagkatapos mong mapalitan ang mga magulang, pakisuring muli ang mga paalaala at mga pamulaan upang makita kung kailangan mong baguhin ang mga ito.
  7. Idagdag ang mga nuno bilang mga magulang ng kabagu-baging idinagdag na nanay o tatay.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko idaragdag ang kasapi ng mag-anak sa pedigree sa Family Tree?
Paano ko lulutasin ang pasilu-silong pedigree sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?