Mailalagay mo ang mga datos sa maraming linguahe sa pagpapalit ng wikang (ang input na wika) isinulat mo at ang keyboard layout. Ang sumusunod na mga alituntunin ay para sa Microsoft Windows 10. Kung gumagamit ka ng ibang operating system, subukang magsaliksik online para sa katulad na mga alituntunin.
Upang mapalitan ang wika:
- Pindutin ang Settings, saka ang Time and language, at saka ang Region and language.
- Piliin ang Add a language.
- Piliin ang wikang gusto mong magamit mula salistahan, at saka piliin ang salin ng rehiyon na gusto mong magamit. Ang download mo ay magsisimula kaagad.
Upang mapalitan ang keyboard layout:
Maaari mong i-configure ang keyboard mo upang magamit ang iba't ibang lenguahe at keyboard formats. Makapagdaragdag ka ng maraming keyboard layouts at pagsalisihin ang mga ito kung kailangan. Gamitin ang sumusunod na mga hakbang upang magdagdag ng isang lenguahe, ilagak ang default na lenguahe, at pagsalisihin ang keyboard layouts:
Upang magdagdag ng isang lenguaheng kayboard:
- Pindutin ang Start menu, at piliin ang Settings.
- Piliin ang Time and language.
- Sa kaliwang kolumna, pindutin ang Region and language.
- Piliin ang Add a language.
- Piliin ang lenguaheng gusto mong maidagdag, at piliin ang bansa para sa lenguahe.
- Upang mailagak ang default keyboard layout:
- Pindutin ang Start menu, at piliin ang Settings.
- Piliin ang Time and language.
- Sa kaliwang kolumna, pindutin ang Region and language.
- Sa ilalim ng Languages, pindutin ang wikang gusto mo bilang default, at pindutin ang Set as default.
- Upang mapagsalisi ang mga keyboard layouts:
- Pindutin ang pangalan ng lenguahe sa mababang kanan ng iyong tabing (default ay ENG).
- Piliin ang keyboard layout na gusto mong gamitin.
Tips:
Kailangan mong subukan ang lahat ng mga keys sa keyboard, lalo na ang mga punctuation keys, upang maunawaan kung aling keys ang bumabagay sa espesiyal na characters sa lenguaheng dayuhan.
- Para sa karagdagang kabatiran tungkol sa katangiang ito, konsultahin ang mga salansan ng tulong ng iyong Windows.
- Kung hindi mo makita ang Language bar, pindutin ng pakanan ang taskbar, ituro sa Toolbars, at saka pindutin ang Language bar.
- Ang Windows 8 Touch Keyboard ay magbibigay sa iyo ng pangmatang katawanan ng iyong Physical Keyboard na gagawin mas madaling ilagay ang mga wastong characters at mga keys ng pagbabantas para sa lenguaheng dayuhan.
- Ilang mga lenguahe ay walang fonts na inilagay ayon sa default sa Windows. Kung wala kang font, ang mga characters ay kadalasang magpapakitang mga kuadrado. Ang font para sa wika ay dapat na ilagay upang mailantad ng wastung-wasto sa FamilySearch.