Kung may makita kang detalye sa kanang column ng Source Linker na hindi tumpak o hindi kumpleto:
- I-klik ang pencil icon sa tabi ng detalye, at i-edit mo iyon.
- Tiyaking mag-iwan ng isang dahilan na magpapaunawa sa iba pang mga user kung bakit mo ine-edit ang impormasyon sa Family Tree.

Kung nawawala ang pencil icon, hindi maaaring i-edit ang impormasyon mula sa loob ng Source Linker. Kung magkagayon, mag-klik sa pangalan ng ninuno, at magpunta sa kanyang person page. I-klik ang Details tab, at i-edit mo iyon.