Ang mga kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw ay tatanggap ng isang mensahe mula sa kaparaanan ng pagpapadala ng mensahe ng FamilySearch sa sumusunod na mga pagkakataon:
- Kapag ang isang kautusang inilaan mo ay nabuo at naitala sa templo.
- Natatanggap mo ang mga patalastas na ito kapag ang mga kautusan sa listahan ng iyong paglalaan ay nabuo.
- Ang mga patalastas ay nagsasabing ang mga kautusan ay naitala. Pumunta sa iyong kumpletong listahan ng mga kautusan para sa mga detalye.
- Ang mga patalastas ay lumilipas pagkatapos ng 7 araw saka kusang tatanggalin sa iyong mga patalastas ng FamilySearch.
- Kapag ang isang paglalaan sa iyong listahan ay handang halos na magwakas.
- Kapag ang isang paglalaan sa iyong listahan ay nagtapos.
Mga Hakbang (website)
- Lumagda sa FamilySearch.org
- Sa tuktok ng kanang bahagi ng tabing, pindutin
- Pindutin ang markang patalastas na may tatak na Templo. (Paalaala: Ang isang buton ng Templo ay nasa tuktok ng tabing, na naiiba sa markang patalastas ng Templo).
- Pindutin ang mensaheng gusto mong makita.
- Pindutin ang Tingnan ang Listahan.Ang iyong listahan ng kumpletong mga kautusan ay magbubukas upang makita mo at isulat ang mga detalye.
- (Pagpipilian): Upang ipadala sa email ang mga mensaheng templo sa iyong sarili, sundin ang mga hakbang na ito:
- Pindutin ang kahon na tsek ng mensaheng gusto mong ipadala sa email.
- Pindutin ang Email.
- Sa kahon ng mensahe, pindutin ang Oo.
Mga Hakbang (mobile app)
- Buksan ang Family Tree mobile app.
- Buksan ang tabing na menu.
- Apple: Sa kanang ibaba na sulok ng tabing, pindutin ang 3 guhit.
- Android: Sa kaliwang sulok sa tuktok ng tabing, pindutin ang 3 guhit.
- Pindutin ang Mga Patalastas.
- Sa tuktok, hanapin at pindutin ang Templo.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Ang Family Tree Lite ay hindi saklaw ang Pagpapadala ng Mensahe ng FamilySearch. Mangyaring gamitin ang FamilySearch.org website o ang FamilyTree app.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko makikita at isusulat ang aking kumpletong listahan ng mga kautusan?
Ano ang mangyayari kapag ang mga paglalaan ng kautusan ay lumipas?
Paano ko ibabahagi ang isang pangalan ng mag-anak sa templo?