Ang Family Tree app ay hindi sumasabay sa aking Android mobile device

Ang Family Tree app sa iyong mobile device at FamilySearch account sa website ay kusang sasabay kapag nakakonekta ka sa Internet. Kung ang pagsasabay ay nabigo, narito ang ilang mga bagay na maaari mong subukan:

Tanggalin ang cache

  1. Sa Family Tree mobile app, tapikin ang tatlong guhit sa itaas ng kaliwang sulok.
  2. Tapikin ang Settings.
  3. Tapikin ang Advanced.
  4. Tapikin ang Tanggalin ang Cache.
  5. Basahing mabuti ang mensahe upang matiyak na gusto mong magpatuloy. Saka tapikin ang Magpatuloy.

Sariwain ang tao

Kung gusto mong ma-update ang kabatiran para sa isang tao, maaari mong gamitin ang pamiliang Sariwain ang Tao. Babawiin ng kaparaanan ang pinakahuling mga updates para sa lahat ng mga bahagi ng tala ng Family Tree na tinitignan mo sa kasalukuyan.

  1. Sa Family Tree mobile app, maglayag sa pahina ng isang tao ng tao.
  2. Tapikin ang tatlong tuldok sa kanang itaas na sulok.
  3. Tapikin ang Refresh person (kung hindi mo nakikita ang pagpipiliang ito sa menu, tapikin ang Marami pa ).

Tandaan: Para sa mga tabing na may mga listahan, maaari mong hilahin ang listahan hanggang sa ibaba. Ang pamiliang "hilahin upang masariwa" ay isang karaniwang pamamaraan sa mga mobile app.

Mag-sign out

Mag-sign out sa app at lumagda ulit upang mapagsabay ang app at ang website. Kailangan mo ng malakas na koneksiyong wireless internet na magagamit para sa iyong telepono.

Tanggalin ang app

Kung nagkakaroon ka pa ng problema, subukang tanggalin ang app sa iyong phone o device, pagkatapos ibalik ito.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ang Family Tree app ay hindi sumasabay sa aking iOS mobile device

Nakatulong ba ito?