Paano ko ilalagay ang gustong asawa o mga magulang sa Family Tree?

Sa Family Tree, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng mahigit sa 1 asawa o pares ng mga magulang. Sa sitwasyong ito, maaari mong piliin ang gustong asawa o mga magulang na nais mong makita sa isang pedigree view.

Narito ang mga epekto ng pagtatakda ng gustong asawa o mga magulang:

  • Makikita mo ang lahat ng mga asawa at mga magulang sa pahina ng tao.
  • Makikita mo lang ang gustong asawa o mga magulang sa pedigree view at sa naka-print na mga family group record. Ang mga inapo at ninuno ng gustong asawa o mga magulang lamang ang ipapakita.
  • Ikaw lamang ang makakakita sa mga pagbabago sa gustong asawa o mga magulang. Ang mga ibang user ay maaaring pumili ng sa kanila.
  • Ang gustong asawa o mga magulang ay mananatiling gayon hanggang sa baguhin mo.
  • Ang pagtatakda ng gustong asawa o mga magulang ay makakaapekto kung paano gagana ang Source Linker. Pinag-uugnay lamang ng Source Linker ang gustong asawa at mga anak ng nasabing mag-asawa.
  • Ang pahina ng tao ay nagpapakita sa mag-asawa ayon sa araw ng kasal. Ang pagtatakda sa gustong mga magulang ay hindi makakaapekto sa pagkaka-ayos ng mga magulang sa pahina ng tao ng anak.

Mga Hakbang (website)

Landscape view

  1. Sa menu sa itaas, i-klik ang Family Tree, at pagkatapos ay i-klik ang Tree.
  2. Sa itaas sa kanang sulok ng tree screen, i-klik ang pedigree view, at pagkatapos ay piliin ang Landscape.
  3. Hanapin ang taong may maraming asawa o magulang.
    • Kung ikaw ay pumipili ng isang gustong asawa, ilipat ang mag-asawa sa pangunahing posisyon.
    • Kung ikaw ay pumipili ng isang gustong magulang, ilipat ang anak sa pangunahing posisyon.
  4. Para ipakita ang iba pang mga asawa o mga magulang, i-klik ang down arrow.
    • Para piliin ang gustong asawa, gamitin ang arrow sa tabi ng pangalan ng asawa.
    • Kung ikaw ay pumipili ng gustong mga magulang, ang arrow ay nasa kaliwa sa kahon kung nasaan ang mga magulang.
  5. I-klik ang gustong asawa o mga magulang.

Pahina ng Tao

  1. Sa menu sa itaas, i-klik ang Family Tree, at pagkatapos ay i-klik ang Tree.
  2. Hanapin ang taong may maraming asawa o magulang.
  3. I-klik ang pangalan ng tao. Sa mga detalyeng lilitaw, i-klik muli ang pangalan ng tao.
  4. I-klik ang tab na Mga Detalye.
  5. Mag-scroll pababa sa bahaging Mga Kapamilya.
  6. I-klik ang I-set ang Gusto.
  7. Sa pop-up box, i-klik ang tab na Gustong Asawao Gustong mga Magulang.
  8. I-klik ang gustong asawa o mga magulang.
  9. I-klik ang I-save.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree app, hanapin at i-tap ang pangalan ng taong tinukoy na hindi gustong asawa o magulang.
  2. Sa bar sa ibaba ng pangalan, I-tap ang Mga Asawa o Mga Magulang.
  3. Sa kanan ng iyong gustong asawa o magulang, i-tap ang maliit na gray na arrow.
  4. Katabi ng Gustong Asawa o Gustong Magulang, i-tap ang bilog.
  5. Kapag bumalik ka sa tree , ang gustong asawa o magulang ay makikita na.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Hindi ka pinahihintulutan ng Family Tree Lite na piliin ng gustong asawa o mga magulang.

Kaugnay na mga artikulo

Ano ang ginagawa ng landscape view sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?