Paano ko gagamitin ang bersyon na beta ng FamilySearch?

Maaari mong gamitin ang bersyon na beta ng FamilySearch bilang isang kahong-buhangin o lugar ng pag-aaral. Maaari kang mag-subok, mag-aral, at magturo tungkol sa FamilySearch Family Tree nang hindi kinakailangang gamitin ang tunay na mga datos. Ang mga pagbabagong gagawin mo sa beta Family Tree ay hindi suma-sabay sa buhay na FamilySearch Family Tree.  

Bago ka magsimula

Habang ginagamit mo ang lugar na beta, mangyaring magkaroon ng kamalayan sa mga sumusunod:

  • Hindi sinusuportahan ng Suportang FamilySearch ang lugar na beta.
  • Upang makita kung ikaw ay nasa lugar na beta, tingnan ang logo ng FamilySearch sa kaliwang tuktok. Maliliit na salitang "Beta" ang lilitaw sa ibabaw ng logo.

Ang lugar ng beta ay mayroon ding ilang mga limitasyon:

  • Ang lugar na beta ay idinisenyo para magamit ng mga inhinyero ng FamilySearch habang gumagawa sila ng mga paglagay-sa-panahon sa website ng produksyon. Ang mga bagay ay hindi palaging pareho ang hitsura roon tulad ng sa orihinal na website.
  • Minsan-minsan ang lugar na beta ay hindi gumagana. Kung nakakuha ka ng Kamalian na Panloob na Taga-silbi, paki subukang muli sa ibang pagkakataon.
  • Maaaring mabagal ang lugar na beta, ayon sa trabahong ginagawa ng mga inhinyero.
  • Ang mga datos sa bersyon na beta ng Family Tree ay hindi palaging tugma sa nakikita mo sa buhay na bersyon. Ang bersyon na beta ay nagpapakita ng snapshot ng puno ng mga datos sa isang partikular na panahon. Ang lugar na beta ay hindi nilayon na maging tumpak o ilagay-sa-panahon ang kinatawan ng FamilySearch Family Tree.

Mga hakbang

  1. Magpunta sa bersyon na beta ng FamilySearch website.
  2. Lumagda sa paggamit ng parehong username at password na ginagamit mo sa FamilySearch.
moduleTitle