FamilySearch Memories Outage - November 2021

Una, gusto naming muling humingi ng paumanhin sa anumang abalang sanhi ng maikling pagkawala ng mga kaparaanan sa aming Memories service noong Nobyembre 18 at 19 ng 2021.

Ang lathalaing ito ay nagbibigay ng mga hakbang upang mabawi ang Memories sa online upang makatuwaan ng mga salinlahi.

Ano ang magagawa mo

Ang tanging paraan upang mabawi kung ano ang nawala ay muling i-upload o muling likhain ito. Lumikha kami ng isang album na naglalaman ng lahat ng iyong Memories na nasalanta ng outage.

Ilang magagandang balita

Samantalang ang tunay na bagay na in-upload (halimbawa, isang larawan) ay nawala, ang kabatirang idinagdag mo sa linang ng pamagat o paglalarawan ay naingatan. Ang filename para sa mga larawan ay inigatan din.

Sundin ang mga alituntuning ito upang matingnan ang naslantang Memories at bawiin ang anumang teks na maaaring naidagdag mo.

Mga alituntunin

  1. Sundin ang link na natanggap mo sa outage email o notification sa See Affected Memories. Bubuksan nito ang isang album ng Memories na pinamagatang "Nobyembre 18-19, 2021."
  2. Piliin ang pamiliang Bookmark sa tuktok ng album. Saka ito lilitaw sa iyong Galeriya sa ilalim ng Bookmarks. Ginagawa nito na madali mong mabawi ang album. (Upang malagyan ng bookmark ang mga album kakailanganin mong mag-log in sa FamilySearch.)
  3. Muling i-upload ang anumang mga larawan o mga kasulatang nawala, at muling lumikha ng mga kuwento. Ipunin ang mga ito sa iyong Galeriya o sa isang bagong album. Kopyahin at idikit ang anumang mga pamagat o pagsasalarawan na maaaring naidagdag mo sa nakaraan. Sa ilang mga kaso, maaamong makita ang filename bilang isang reperensiya ng kung ano ang in-upload.
  4. Tanggalin ngayon ang dalawahan, nasanlantang bagay na Memory.
  5. Kapag natanggal mo ang lahat ng nasalantang mga bagay na Memory, tanggalin ang naka-bookmark na album. Mawawala ito sa iyong Galeriya.

Ang aming sentro ng taguyod ay mayroong mas maraming kabatirang sa pagtatanggal ng mga bagay na Memories.

Nakatulong ba ito?