Ang toolbar sa tuktok ng pahina ng indeksing ay makakatulong sa iyo sa iyong gawain. Narito ang ibig sabihin ng mga marka:
Marka | Pangalan | Tungkulin |
![]() | Bumalik sa Web Indexing | Bumalik sa pangunahing pahina para sa web indexing, kung saan mo makikita ang iyong mga kasalukuyang pulutong at suriin ang mga bagong pulutong. |
![]() | Buksan ang Tsek ng Kahusayan | Suriin ang iyong gawain para sa katumpakan. Tutukuyin ng Tsek ng Kahusayan ang mga maaaring kamalian sa kabatirang inilagay mo. |
![]() | Ibigay ang pulutong | Ibigay ang pulutong ng mga na-indeks na talaan kapag natingnan mo na ang mga talaan at na-index ang lahat ng mababasa na kabatiran. Ang pagpindot sa Ibigay ang pulutong ay mag-pa-pasimula sa pagsuri ng kahusayan. |
![]() | Markahan ang larangan na walang laman | Markahan ang larangan na walang laman kapag ang kabatiran para sa isang partikular na larangan o katanungan ay nawawala. |
![]() | Markahan ang walang laman na lagay | Markahan ang lagay na walang laman kapag ang lahat ng kabatiran para sa isang partikular na tala ay nawawala. |
![]() | Markahan ang larangan na hindi mabasa | Markahan ang larangan na hindi mabasa kapag hindi mo mabasa ang kabatirang nakalimbag o isinulat sa tala. |
![]() | Magdagdag ng mga lagay | Magdagdag ng mga lagay kapag naglalaman ang pulutong ng mas maraming larawan kaysa sa inasahan. |
![]() | Tanggalin ang mga lagay | Tanggalin ang mga lagay kapag ang pulutong ay naglalaman ng mas kaunting mga larawan kaysa sa inasahan. |
![]() | Kopyahin ang teksto mula sa parehong larangan sa nakaraang lagay | Kopyahin at idikit ang teksto mula sa nakaraang lagay sa kasalukuyang lagay. Ang tuwirang paggawa ay mangyayari sa isang solong larangan ng mga datos, bilang salungat sa buong lagay. |
![]() | Kopyahin ang teksto mula sa napiling larangan sa mga larangang tugma. | Kopyahin at idikit sa nakaraang lagay sa lahat ng mga lagay sa pulutong. |
![]() | Kopyahin ang teksto mula sa nakaraang lagay sa napiling lagay | Kopyahin at idikit ang lahat ng teksto mula sa nakaraang lagay sa kasalukuyang lagay. |
![]() | Mga halimbawa ng sulat-kamay | Tingnan ang ibat ibang paraan ng pagsulat ng lahat ng mga titik sa alpabeto. |
![]() | Ibahagi ang pulutong | Mag-anyaya ng isang tao na tingnan ang kasalukuyang pulutong ng mga talaan at tulungan ka sa iyong pag-indeks. |
![]() | Internasyonal na mga karakter | Suriin ang listahan ng mga karakter na hindi isinama sa modernong alpabetong Ingles. |
![]() | Mga tagubilin sa proyekto | Ang mga alituntunin para sa pag-indeks ay iba-iba ang ayos ayon sa koleksyon kung saan nanggaling ang mga talaan. Suriin ang mga alituntunin para sa koleksyon na nauugnay sa iyong pulutong ng indeksing. |
Magkakaugnay na mga lathalain
Ano-ano ang mga tuwid na keyboard para sa pag-indeks?