Ano ang pamantayang FamilySearch GEDCOM 7.0?

Share

Ang GEDCOM ( isang acronym para sa Genealogical Data Communications) ay nilikha ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw (Ang Simbahan) noong 1984 bilang isang detalye para sa pagpapalitan ng mga datos na angkan sa pagitan ng ibat ibang mga paggamit ng software. Marami nang mga sipi ang nailabas at karapatan sa pagkopya ng Simbahan, kabilang ang paglabas ng siping 5.5.1, noong Nobyembre 15, 2019.

Sa RootsTech 2020, naglunsad ang FamilySearch ng isang pagsisikap na lumikha ng isang bagong sipi ng GEDCOM batay sa siping 5.5.1. Maraming mga tagabigay ng industriyang software at pangunahing tagahikayat ang sumali, at ang pagsisimula ay nagtapos noong Mayo 15, 2021. Ang FamilySearch GEDCOM 7.0 ay ang kinalabasan ng mga pagsisikap na iyon at kasama ang mga sumusunod na bagong mga pagpapahusay:

  • Mga kakayahan sa pagpapaketeng Zip para sa mga larawan at mga salansan ay idinagdag.
  • Ang mga paalaala ay pinalawak para sa mas maraming paggamit at stilo ng teks.
  • Ang mga kagamitan, mga sample na salansan, mga kodigong sample, at mga pamatnubay sa self-testing ay isinama.
  • Ang pagbabanggit ng GEDCOM at anumang kodigong mayroon mula sa FamilySearch batay sa pagbabanggit ay sa ilalim ng mga kasunduan at mga kondisiyon ng Apache License, Bersiyon 2.0.
  • Ang mga kalabuan sa bersiyong GEDCOM 5.5.1 ay tinanggal.
  • Ang publikong GitHub repository ay bumubuo sa mga kahilingan sa pagpapanatili at patuloy na mga talakayan tungkol sa hinaharap na mga katangian.

Ang mga tagagamit ng FamilySearch GEDCOM 7.0 ay maka-ka-paglabas ng mga salansan mula sa mas lumang mga sipi ng GEDCOM. Gayunpaman, ang mga tagagamit ng mas lumang sipi ng GEDCOM ay hindi maaaring ilabas mula sa FamilySearch GEDCOM 7.0.

Ang publikong lalagyan ng GitHub ay ang talakayan para sa patuloy na mga talakayan na humahantong sa hinaharap na mga sipi ng FamilySearch GEDCOM.

Ka-paki-pakinabang na mga pagkukunan ng GEDCOM

Kung interesado ka sa marami pang kabatiran tungkol sa plataporma ng taga-unlad ng FamilySearch at API, mangyaring tingnan ang mga pagkukunan na ito:

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang isang salansan na GEDCOM?

Nakatulong ba ito?