Maaari ko bang hilingin na tanggalin ang pangalan ng isang buhay na tao sa Mga Talang Pangkasaysayan?

Share

Iginagalang ng FamilySearch ang mga karapatang pansarili ng mga tao at nagsusumikap na sundin ang lahat ng naaangkop na mga batas. Ang FamilySearch ay nagpapahayag ng mga kopya ng mga tala pagkatapos lamang naming makakuha ng pahintulot sa orihinal na taga-ingat ng tala. Matapat kaming sumusunod sa mga itinakdang kalagayan.

Maaari mong hilingin ang FamilySearch na gumawa ng isang indeks na tala tungkol sa iyo o sa isang taong pinaglilingkuran mo bilang pambatas na taga-alaga na hindi magagamit.

Mga hakbang

  1. Sa FamilySearch.org, hanapin ang indeks na kabatiran ng buhay na tao.
  2. Kopyahin ang URL.Ginagamit namin ang URL upang makilala ang iyong mga datos sa pagitan ng parehong mga datos sa loob ng malaking database ng FamilySearch.
  3. Magbigay ng isang pormang Kahilingan sa Pansariling Mga Datos.

Maghanda sa pagbigay ng mga detalye:

  • Paano ka nauugnay sa taong ito
  • Ang URL ng pahinang nagpapakita sa indeks na kabatiran sa FamilySearch.org

Ano ang inaasahan

  • Ang na-indeks na kabatiran sa tabing ng mga detalyeng tala ay mawawala sa sandaling alisin namin ang tala. Kung pupunta ka sa URL, makikita mo ang mensaheng "Tinanggal ang Tala."
  • Maaari mong patuloy na makita ang iyong pangalan sa mga kinalabasan ng paghahanap sa loob ng ilang mga araw o linggo. Dahil sa mga kamakailan na pagbabago sa mga algorithm at mga proseso ng paghahanap, nakakaranas kami ng pagkaantala sa pag-alis ng mga pangalan sa mga kinalabasan ng paghahanap. Kung nakikita mo ang iyong pangalan sa mga kinalabasan ng paghahanap, pindutin ang markang papel upang tingnan ang na-indeks na kabatiran. Kung nakikita mo ang mensahe na “Tinanggal ang Tala”, tiyak mo na tinanggal namin ang tala sa FamilySearch. Sa kalaunan, hindi na lalabas ang iyong pangalan sa mga kinalabasan ng paghahanap.
Nakatulong ba ito?