Bawat taon, kasabay ng RootsTech, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay naglalabas ng isang video ng mga inspiradong tagubilin na tinatawag na Tagubilin sa Pamunuan ng Templo at Family History.
Isa lamang ito sa maraming pagkakataon na marinig ang nakahihikayat at kapupulutan ng kaalaman na mga salita mula sa mga General Authority ng Simbahan. Dito sa tagubilin sa pamumuno para sa 2024, magbibigay sila ng payo kung paano tayo mas mapapalapit sa ating mga pamilya at sa ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga tipan at ordenansa sa templo at family history, na partikular na bibigyang-diin ang karansan ng mga unang beses na pupunta sa templo.
Kailan Gaganapin ang Talakayan ng Pamunuan ng Templo at Family History ngayong 2024?
Sa taong ito, ang tagubilin sa pamumuno ay mapapanood simula Pebrero 29, 2024. Ang sesyong ito ay maa-access sa Gospel Library app at sa rootstech.org.


Ang talakayan ay pamumunuan nina Elder Neil L. Andersen at Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol, na susuportahan ng mga General Authority at General Officer ng Simbahan na kinabibilangan nina Sister Susan H. Porter, Sister Kristin M. Yee, Elder Kevin R. Duncan, at Elder Kevin S. Hamilton.
Magtutuon ang sesyong ito sa mga pamamaraan na makatutulong sa mga bagong miyembro ng Simbahan na magkaroon ng positibo at magandang karanasan sa templo.
Sino ang Maaaring Manood Nitong Tagubilin sa Pamumuno?
Ang sesyon ay isang mensahe para sa lahat ng miyembro ng Simbahan. Hinihikayat ang may mga tungkulin sa templo at family history na panoorin ang sesyon bilang isang council. Ang magsama-sama sa mga grupo para panoorin ang tagubilin sa pamumuno sa taong ito ay magbibigay-daan sa natural na pag-uusap at pag-aakma ng mga ideya para sa partikular na mga pangangailangan ng mga area, ward, at stake.
Para makatulong sa mga pag-uusap na ito, isang gabay sa talakayan ang ibibigay sa lahat ng lider ng ward. Ang gabay na ito ay mababasa sa 23 wika.



Ang may mga sumusunod na calling ay hinihikayat nang husto na manood, mag-usap-usap, at kumilos nang nagkakaisa:
- mga area adviser sa templo at family history
- mga stake, mission, at district presidency
- mga miyembro ng stake at ward council at kanilang mga presidency
- mga ward mission leader at missionary
- mga ward temple and family history leader
- mga stake at ward temple and family history consultant
- Mga Young Women class presidency
- Mga Aaronic Priesthood quorum presidency
Ang Tagubilin sa Pamunuan ng Templo at Family History para sa 2024 ay tiyak na isang sesyon na kapupulutan ng kaalaman na magsusulong pang lalo sa gawain sa templo at family history!
Sa FamilySearch nais naming maikonekta kayo sa inyong pamilya, at nagbibigay kami ng masasayang karanasan sa pagtuklas at paglilingkod sa family history nang libre. Bakit? Dahil mahalaga sa amin ang mga pamilya at naniniwala kami na mapabubuti ng pag-uugnay ng mga henerasyon ang ating buhay ngayon at magpakailanman. Ang FamilySearch ay isang non-profit na organisasyon na tinatangkilik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Para malaman pa ang tungkol sa aming mga paniniwala, mag-klik dito.