Ang RootsTech 2026 ay nalalapit na, at ang pagpaparehistro ay bukas na ngayon! Maghandang ipagdiwang ang iyong pamilya at matuto ng isang bagong bagay tungkol sa iyong pamana. Ang 3-araw na kumperensiya sa genealogy, sa Marso 5–7 2026, ay puno ng iba't ibang aktibidad sa family history, kabilang na ang:
- Nagbibigay-inspirasyong mga pangunahing tagapagsalita tungkol sa kapangyarihan ng ugnayan ng pamilya.
- Daan-daang personal at online na klase upang matulungan ang mga baguhan at eksperto na magawa ang kanilang susunod na mahalagang pagtuklas.
- Isang virtual Expo Hall para sa pag-browse at pag-aaral tungkol sa mga bagong produkto para sa pagbuo at pagbabahagi ng kuwento ng iyong pamilya.
- Mga forum araw-araw na tungkol sa mga pinakabagong balita sa pananaliksik at inobasyon sa family history.
Paano Magparehistro
Upang makapagparehistro sa RootsTech, bisitahin ang pahina ng pagpaparehistro sa RootsTech website. May 2 opsiyon sa pagpaparehistro—isa para sa online na pagdalo at isa para sa personal na pagdalo (sa Salt Lake City, Utah, United States). Magparehistro na ngayon upang samantalahin ang mas murang presyo ng maagang pagpaparehistro para sa personal na pagdalo sa kumperensiya, o magparehistro upang dumalo online, at mapapanood mo ang RootsTech mula saanman sa mundo—nang libre!
- Hinihikayat ang pagpaparehistro, na bukas simula sa ika-24 ng Setyembre.
- LIBRE na manood ng mga live-streamed at on-demand na sesyon.
- Magparehistro online simula sa ika-24 ng Setyembre (o nang personal sa kaganapan).
- Mas murang presyo ng maagang pagpaparehistro—$99 lamang para sa 3 araw, $69 para sa 1 araw.
- Araw ng Pagtuklas ng Pamilya, Sabado, Marso 7—Libre para sa buong pamilya!
Bakit Dadalo sa RootsTech 2026?
Ang RootsTech ay isang natatanging pagdiriwang ng pagtuklas ng pamilya na nag-uugnay sa mga tao mula sa halos lahat ng bansa sa mundo. Sa loob ng 3 araw, sa Marso 5–7, ang mga dadalo ay magkakaroon ng espesyal na pagkakataong tuklasin ang lahat ng bago sa industriya ng genealogy habang natututo ng mga bagong pamamaraan at bagong kasanayan sa pagtuklas ng kuwento ng kanilang pamilya. Sa pagitan ng mga aktibidad, ang mga dadalo ay magkakaroon ng mga kaibigan na may parehong interes sa kanila at, sa ilang pagkakataon, makatatagpo pa nga ng bagong kamag-anak!
Mga Klase para sa Bawat Antas ng Kasanayan
Ang RootsTech ay tungkol sa pagkatuto ng mga bagong paraan ng pakikibahagi sa kuwento ng iyong pamilya. Kung itinuturing mo man ang iyong sarili bilang isang baguhan o eksperto sa family history, magkakaroon ka ng napakaraming personal at online na klase na pagpipilian mula sa mga paksang interesado ka.
Paalala: Ang buong iskedyul ng kumperensiya ng RootsTech 2026 ay magiging available sa Enero 2026.
Expo Hall
Ang RootsTech Expo Hall ay parang isang maliit na nayon sa loob ng Salt Palace Convention Center, kung saan ang bawat booth, bawat mesa, bawat displey ay nakalaan sa family history. Ito ang perpektong lugar upang matuto tungkol sa isang bagong inobasyon, sumubok ng isang bagong produkto, o magtanong sa kinatawan ng isang kompanya. Ngunit huwag isiping hindi ka kabilang kung ikaw ay nagpaplanong makilahok online! Maaari mong gawin ang marami sa mga parehong bagay sa virtual expo hall sa RootsTech.org.
Mga Nagbibigay-inspirasyong Presentasyon sa Main Stage
Ang lahat ay may paboritong bagay tungkol sa RootsTech. Ngunit walang duda na ang Main Stage ang pinakamalaking atraksiyon sa kumperensiya. Dito ibinabahagi ng mga pangunahing tagapagsalita kung paano hinubog ng pamana, ugnayan, at pagtuklas ng pamilya ang kanilang mga buhay. Sa libu-libong dadalo na pupuno sa auditorium—at daan-daang libo pang sasali online—ang pakiramdam sa isang presentasyon sa Main Stage ay palaging nagbibigay-inspirasyon. Dito mo maririnig ang mga kuwentong titimo sa iyo, ang uri na hihikayat sa iyo na magsaliksik nang mas malalim sa iyong sariling family history at ibahagi kung ano ang nahanap mo sa iyong mga mahal sa buhay.
Mga Kamag-anak sa RootsTech
Sa napakaraming taong makikilahok sa RootsTech, online at nang personal, tiyak na may kaugnayan ka sa ilan man lamang sa kanila, hindi ba? Kung sasali ka online, pumunta sa rootstech.org/connect. Susuriin ng aktibidad ang iyong family tree at mabilis itong ikukumpara sa ibang mga tao sa kumperensiya na pumayag sa karanasang iyon. Pagkatapos ay sasabihin nito sa iyo kung saan nagkrus ang inyong mga sanga at kung paano kayo nagkakaugnay.
Magugulat ka kung ilang ika-4 at ika-5 pinsan ang nakalimot na sabihin sa iyo na paparating sila at ngayon, ikaw ay nasa mismong gusali kung nasaan ka. Salamat sa mga Kamag-anak sa RootsTech at sa FamilySearch Family Tree, maaari kang makatuklas ng at makipag-ugnayan sa mga kamag-anak mula sa iba't ibang panig ng mundo!
Libreng Araw ng Pagtuklas sa Pamilya
Kung nakapunta ka na sa RootsTech, alam mo—ang Sabado ay nagtatampok ng Araw ng Pagtuklas sa Pamilya, na may mga laro at aktibidad para sa mga kapamilya sa lahat ng edad. Magplano ng isang araw na puno ng inspirasyon, na may matinding kasiyahan at malaking ngiti. Ang lahat ay maaaring makibahagi sa Araw ng Pagtuklas sa Pamilya nang libre, at ang lahat ay inaanyayahan, kabilang na—o dapat nating sabihin, lalo na—ang mga bata!
Bakit Magpaparehistro para sa RootsTech 2026?
Kahit nagpaplano kang dumalo sa virtual, nang libre, nanaisin mo pa ring magparehistro para sa kumperensiya. Ang pagpaparehistro ay tumitiyak ng buong access sa lahat ng kapana-panabik na kaganapan ng RootsTech online kapag nagsimula na ang kumperensiya.
Online o personal—tiyaking mag-opt in para sa mahahalagang notipikasyon mula sa RootsTech team upang malaman mo ang anumang mga pagbabago o update na maaaring mangyari sa mga darating na buwan. Ipaaalam namin sa iyo kung kailan mo malilikha ang iskedyul ng iyong klase at kung paano makahahanap ng iba pang makatutulong na impormasyon upang magkaroon ng pinakamagandang karanasan sa RootsTech.
Markahan ang Iyong Kalendaryo para sa Isang Hindi Malilimutang Kaganapan
Ngayong mayroon ka na ng mga detalye, narito ang iyong listahan ng gagawin para sa susunod na ilang araw:
- Magparehistro na dumalo sa online o personal na kumperensiya, at i-save ang mga petsa na Marso 5–7, 2026.
- Kopyahin ang URL sa pahina ng pagpaparehistro, at ipadala ito sa isang kaibigan o kapamilya. Palaging nakatutuwang dumalo sa RootsTech, ngunit ang pagdalo roon kasama ang isang taong mahal mo ay isang panghabambuhay na alaala!
- Bisitahin ang RootsTech Video Library, at mabigyang-inspirasyon ng isang tip o mungkahi para sa pagtuklas ng kuwento ng iyong pamilya.
Magkita-kita tayo sa Roots Tech 2026! Nagsimula na ang pagbilang ng araw bago ang kumperensiya!
Sa FamilySearch nais naming maikonekta kayo sa inyong pamilya, at nagbibigay kami ng masasayang karanasan sa pagtuklas at paglilingkod sa family history nang libre. Bakit? Dahil mahalaga sa amin ang mga pamilya at naniniwala kami na mapabubuti ng pag-uugnay ng mga henerasyon ang ating buhay ngayon at magpakailanman. Ang FamilySearch ay isang non-profit na organisasyon na tinatangkilik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Para malaman pa ang tungkol sa aming mga paniniwala, mag-klik dito.
