Simula sa 2023, makakapag-sign in ka na sa FamilySearch gamit ang Facebook, Google, Apple, o Church account (ChurchofJesusChrist.org). Bagama’t ang ilan sa mga opsiyon na ito sa pag-log-in ay available na noon, ang ilan ay bago.
Paalala: Ang ilang opsiyon sa pag-log in ay maaaring hindi available sa lahat ng wika.
Ang paggamit ng iba-ibang opsiyon sa pag-log in ay makatutulong sa iyo na bawasan ang nakakapagod na pag-type ng iba’t ibang username at password, at mapapabilis nito ang pag-sign in sa FamilySearch. Makatutulong din ito kung palagi mong nalilimutan ang iyong FamilySearch username at password o kung mas gusto mo ang iba pang pamamaraan ng pag-sign in kaysa mag-type ng password (tulad ng paggamit ng Google o Apple passkey).
Hindi mo rin kailangang gumamit ng isang log-in option lamang. Maaari mong i-link ang kahit ilang gusto mo! Madali lang ang pag-link ng mga log-in:
Kung mayroon ka nang FamilySearch account, sa FamilySearch.org, i-klik ang Sign In, at piliin kung aling sign-in option ang gusto mo, gamit ang mga icon sa itaas ng pahina. Kung hindi mo pa nai-link ang iyong FamilySearch account sa Facebook, Google, o Apple account, mag-klik sa alinman sa mga icon na ito para maturuan ka kung paano mai-link ang iyong mga account.
Para sa tulong sa pag-sign in gamit ang Church Account, bisitahin ang help article na ito.

Para lumikha ng bagong FamilySearch account gamit ang mga opsiyon na ito sa pag-log in, i-klik ang Lumikha ng Account at piliin ang gusto mong paraan ng pag-sign up gamit ang iba’t ibang icon.

Anong Impormasyon ang Ibinabahagi Kapag Nag-link Ako ng mga Account?
Kapag nag-link ng mga account sa Facebook, Google, at Apple, ipapakita sa iyo ng mga prompt kung anong mga partikular na pahintulot ang pinapayagan mo sa pagitan ng 2 account. Sa pangkalahatan, tanging pangunahing impormasyon na tumutukoy sa iyong pagkakakilanlan lamang ang ibinabahagi para mai-link ang mga account log-in.
Paalala: Kapag gumagamit ng pampublikong computer, tiyaking mag-sign out sa FamilySearch at sa naka-link na account na ginamit mo sa pag-sign in. Ang pag-sign out sa isang account ay hindi laging nagsa-sign out sa iyo sa isa pang account.
nullUmaasa kami na ang mga bagong log-in option na ito ay makatutulong sa mga user na nais ng higit na flexibility sa kanilang mga account. At kung nahihirapan ka sa pag-iingat ng napakaraming iba’t ibang password, umaasa kami na makatutulong din sa iyo ang mga opsiyon na ito! Mag-sign in o mag-sign up ngayon para subukan ito: