Ang FamilySearch Help ay kung saan maaaring magpunta ang mga beginner at advanced na family history researcher para makakuha ng sagot sa mga tanong na maaaring magkaroon sila habang hinahanap nila ang kanilang mga ninuno. Sa blog post noong Hunyo 2021, binigyang-diin namin ang mga bagong feature at accessibility ng binagong Help Center sa FamilySearch. Nakadetalye sa isang naunang blog post kung paano naging one-stop-shop para sa lahat ng iyong tanong ang pinasimpleng menu.
Batay sa feedback ng mga user, muling inorganisa ng mga engineer sa FamilySearch ang Help material para mas madaling makita ang mahahalagang help resources. Ipinatupad ang mga pagbabagong ito matapos ang malawak na user testing at feedback. Naging mahalaga ang iyong mga komento.
Ang proseso ng pag-access sa FamilySearch Help ay hindi nagbago. Ang user ay unang pupunta sa www.familysearch.org, magsa-sign in, pagkatapos ay magki-klik sa Help icon sa kanang itaas ng screen. Ito ang icon na bilog na may tandang pananong.
Ang pinakamalaking pagkakaiba na mapapansin ng mga user ay ang binagong graphics at bagong paraan ng pag-navigate sa mga pahina. Tulad ng dati, ang open text field kung saan maaaring magpasok ng mga tanong ay matatagpuan pa rin sa itaas ng Help and Learning page. Pagkatapos ay ipapakita ang mga posibleng sagot sa mga tanong na may opsiyon na ipahayag ang tanong sa ibang paraan o magdagdag ng karagdagang impormasyon. Kung minsan pinakamainam na magtanong gamit ang isa o dalawang salita. Ang mga parirala at kumpletong pangungusap ay maaaring hindi maglabas makatutulong na mga resulta. Ang pag-klik sa Maghanap ng tulong ayon sa paksa ay magdidispley ng mahahalagang paksa na makakatulong sa mas partikular na paghahanap.
Ang malalaking panel malapit sa itaas ng Help and Learning page ay umaakay sa mga user sa madalas puntahang mga paksa, tulad ng mga aktibidad sa Pagsisimula, Pag-reset ng Password, at pagtingin sa Top Ten Asked Questions (dahil maaaring naitanong na ang iyong tanong). Sa ibaba lang ng bahaging ito ay matatagpuan ang pinakahuling mga update at pagbabago sa FamilySearch. May link para makita ang karagdagang mahalagang impormasyon tungkol sa paggamit ng buong FamilySearch web site.
Kapag ang user ay nag-scroll paibaba, makikita niya ang Self-Help Resources kung saan maaaring gawin ang karagdagang pag-aaral at paghahanap. May link sa bahaging ito para sa popular na mga Klase at Video kung saan makakapili ang mga user na panoorin ang mga recorded na webinar at iba pang mga video para mapahusay ang kanilang pagsasaliksik at kaalaman.
Ang isang mahalagang mithiin ng Help pages ay tulungan kang makahanap ng resources sa Komunidad at personal na tulong mula sa ibang tao. Sa mahigit 5,000 FamilySearch Center sa buong mundo, malamang na may isang malapit sa inyo kung saan ka makakahingi ng tulong sa isang magandang kapaligiran at kung saan may karagdagang resources na maaaring hanapin.
Ang bagong disenyo ng FamilySearch Help ay makatutuong na ang mga upgrade sa hinaharap ay hindi gaanong makakaapekto sa paggamit dito at mas madaling makapagdagdag ng bagong features sa site. Tinitiyak namin na walang nawala. Inilagay lamang namin ang mga ito sa kanilang tamang lugar para madaling mahanap.
Manatiling nakatututok sa FamilySearch Blog kung saan magpo-post kami ng mga karagdagang artikulo tungkol sa mga indibiduwal na feature ng binagong Help resources. Gusto naming magkaroon ng magandang karanasan ang lahat sa paghingi ng tulong na kailangan nila para makaugnayan ang kanilang pamilya.