Gumaganda ang Family Tree Merge Experience!

Tinitingnan ng mag-asawa sa Ghana ang FamilySearch website sa isang computer.

Kung gumugol ka ng maraming oras sa pagtatrabaho sa FamilySearch Family Tree, malamang na nakatagpo ka ng mga duplicate—dalawang profile na kumakatawan sa iisang tao. Dahil layunin ng Family Tree na magkaroon lamang ng isang profile bawat tao, ang Family Tree ay mayroon nang kakayahang mag-merge ng mga duplicate.

Ngunit ang pag-merge ay maaaring nakalilito. Minsan, mahirap sabihin kung ang dalawang profile ay talagang mga duplicate, lalo na kung kulang sa impormasyon ang isa o parehong profile. Bilang resulta, ang mga maling pag-merge—pag-merge ng dalawang profile na talagang hindi kumakatawan sa iisang tao—ay naging isang patuloy na hamon sa collaborative family tree. Ang maling pag-merge ay kadalasang humahantong sa buhul-buhol na mga family line. Nagdudulot ito ng kalituhan at ito ay mahirap at matagal ayusin.

Nakatutulong ang bagong merge experience na tugunan ang hamon ng mga maling pag-merge. Ang interface ay mas madali. Ang bagong proseso ay mas simple rin at nagbibigay ng mas maayos na gabay. Bilang resulta, mas tiwala ka na tama ang ginagawa mong pag-merge. Magiging mas madali rin ang pag-iwas sa maling pag-merge.

Mas Simpleng Interface

Ang dating merge experience ay nangangailangan ng pag-navigate sa tatlong magkakaibang page. Sa pangatlong page, hindi mo na makikita ang paghahambing ng mga profile, na nagpapahirap sa pagtiyak na tama ang ginawang pag-merge.

Ang pinahusay na merge experience ay nagpapakita ng side-by-side view ng mga profile na mine-merge. Pinapakita rin nito kung ano ang magiging itsura ng mananatiling profile matapos ang pag-merge.

Pag-merge ng mga duplicate sa FamilySearch Family Tree sa 2025 update
Paliwanag para sa mga numero sa imahe: 1. Ang profile na made-delete kapag nakumpleto mo ang pag-merge. 2. Ang profile na mananatili (pinakikita ang kalagayan bago mag-merge) kapag nakumpleto mo ang pag-merge. 3. Ang profile na mananatili na may anumang pagbabago na magagawa bilang bahagi ng pag-merge. 4. Rekomendasyon kung itutuloy o hindi ang pag-merge.

Mas Madaling Proseso na may Mas Pinabuting Patnubay

Ang dating merge experience ay nagbibigay ng ilang patnubay (halimbawa, maaaring makakita ang mga user ng babala tungkol sa iba't ibang taon ng kapanganakan o isang mataas na bilang ng mga nakaraang pag-merge). Ngunit ang patnubay ay lumitaw lamang sa unang page sa merge tool, kaya hindi ito nakikita kapag kinailangan mo ito. Sa bagong karanasan, ang patnubay ay mananatili hanggang sa makumpleto ang pag-merge.

Kabilang sa patnubay sa bagong karanasan ang pangkalahatanag rekomendasyon, gayundin ang mga partikular na babala.

Ang pangkalahatang rekomendasyon ay lumilitaw sa ibabaw ng merge page. Makikita mo ang isa sa sumusunod na mga mensahe, depende sa pagkakapareho ng mga profile.

Pagsusuri ng Consistency

Mensahe

Walang malinaw na problema
Checkmark symbol. I-merge ang mga duplicate: Itong 2 tao na ito ay walang kritikal na mga inconsistency. Gayunman, dapat ka pa ring maghanap ng katibayan na kinakatawan nila ang iisang tao bago mo sila i-merge.
Ilang inconsistency na kailangang rebyuhin
Tandang pananong sa loob ng bilog. Maaaring I-merge: Ang 2 taong ito ay may 1 o higit pang inconsistency. Maingat na rebyuhin.
Matitinding Inconsistency
Simbolo ng babala sa loob ng isang tatsulok. Hindi Mairekomenda ang Pag-merge: Ang 2 taong ito ay may mataas na antas ng inconsistency. Hindi inirerekomenda ang pag-merge.
Malinaw na mali ang pag-merge (may kasamang paliwanag)
Simbolo ng babala sa loob ng isang tatsulok. Hindi Mai-merge: Ang magulang ay hindi maaaring i-merge sa kanyang anak.

Kapag iba o inconsistent ang impormasyon, lumilitaw ang malinaw na mga babala sa may impormasyon (tingnan ang mga dilaw na kahon sa halimbawa sa ibaba).

Isang potensiyal na pag-merge na may ilang inconsistency

Ang mga mensaheng ito ay nagpapadali na makita ang pagkakaiba at inconsistency. Pagkatapos ay maaari mong gawin ang kinakailangang pananaliksik upang matiyak na ang mga profile ay talagang kumakatawan sa iisang tao bago i-merge ang mga ito.

Ang table sa ibaba ay nagpapakita ng iba pang mga pinahusay sa bagong merge experience.

Dating Merge Experience
Bagong Merge Experience

Kailangang mamili ng user kung aling item ang mananatili at aalisin. Minsan ay pinipili nilang panatilihin o alisin ang isang item nang hindi nauunawaan ang kahihinatnan ng pagpili niyon.

Halimbawa, maaari nilang alisin ang isang relasyon na wasto at dapat panatilihin, na maaaring magdulot sa isang buong family line na mahiwalay mula sa na-merge na profile.

Ang lahat ng mahalagang impormasyon, relasyon, at source ay awtomatikong inililipat sa nanatiling profile. Binabawasan nito ang posibilidad ng pagkakamali dahil hindi gumagawa ng mga pagbabago ang mga user habang isinasagawa ang merge.

Tip: Bilang best practice, ang mga pagkakamali sa isang profile ay dapat na itama bago ang pag-merge sa halip na habang isinasagawa ito. Sa katunayan, ang paglilinis ng isang profile bago ang isang pag-merge ay maaaring magpakita na ang mga profile ay hindi naman pala dapat i-merge.

Walang kontrol ang mga user sa paraan kung paano ipinakikita ang mga relasyon sa mga merge screen.Maaaring igrupo ng mga user ang mga relasyon ayon sa pamilya o ayon sa uri ng relasyon.
Ang mga prewritten na mga pahayag ng dahilan ng pag-merge ay available para ipasok ng mga user ngunit kadalasang ginagamit nang hindi tama: Halimbawa, pipiliin ng mga user ang pahayag ng dahilan na nagsasabing ang lahat ng impormasyon at mga relasyon ay tumugma kahit hindi naman talaga tumugma.

Kapag walang maliwanag na isyu ang isang pag-merge, ang box na Dahilan ng Pag-merge ay magpapakita ng isang simpleng pahayag na walang maliwanag na inconsistency ang pag-merge. (Maaaring i-edit ang pahayag na ito kung kinakailangan.)

Kapag nagpatuloy ang mga user sa isang kuwestiyonableng pag-merge, hihingan sila ng paliwanag kung bakit naniniwala silang tama ang pag-merge sa kabila ng mga inconsistency, magkasalungat na impormasyon, o iba pang mga problema.

Pinadadali ng bagong karanasan ang pag-merge at binabawasan ang tsansa ng mga di-magandang pag-merge. Gayunman, ang tamang pag-merge ay nangangailangan pa rin ng pag-iingat, atensiyon, at kadalasan, ng ilang pagsasaliksik.

Hinihiling ang Iyong Feedback!

Tulad ng karamihan ng mga FamilySearch page, ang bagong merge experience ay may feedback button sa kaliwang bahagi. Mahalaga sa FamilySearch ang iyong feedback! Maaari mong iklik ang button para mag-iwan ng feedback, o magpunta sa FamilySearch Community para sa karagdagang suporta.

Maraming pagpapahusay ang nagawa na batay sa input mula sa mga nakasubok ng bagong pag-merge. Sa susunod na magsasagawa ka ng pag-merge sa Family Tree, maaari mong subukan ang pinahusay na merge experience. Sabihan mo kami kung ano ang palagay mo tungkol dito!

Mga Kaugnay na Artikulo

April 30, 2026
Ikinagagalak ng FamilySearch na ipahayag na ang nakasulat na mga alaala ay naka-autosave na ngayon sa FamilySearch.org.
April 24, 2026
Ang FamilySearch ay napagbuti ng Full-Text Search simula noong RootsTech 2024, nadaragdagan ang kakayahan nitong maghanap ng milyun-milyong …


Sa FamilySearch nais naming maikonekta kayo sa inyong pamilya, at nagbibigay kami ng masasayang karanasan sa pagtuklas at paglilingkod sa family history nang libre. Bakit? Dahil mahalaga sa amin ang mga pamilya at naniniwala kami na mapabubuti ng pag-uugnay ng mga henerasyon ang ating buhay ngayon at magpakailanman. Ang FamilySearch ay isang non-profit na organisasyon na tinatangkilik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Para malaman pa ang tungkol sa aming mga paniniwala, mag-klik dito.

Kathryn Grant, writer for the FamilySearch Blog
Tungkol sa Awtor
Kathryn Grant