Ikinagagalak ng FamilySearch na ipahayag na ang nakasulat na mga alaala ay awtomatikong nase-save sa FamilySearch.org. Kapag nagta-type ka ng nakasulat na mga alaala, anumang tekstong ilalagay mo sa text box ay awtomatikong mase-save habang nagta-type ka, kahit pa isara mo ang tab o browser o i-off ang iyong computer.
Kapag gusto mong bumalik sa alaalang isinusulat mo, buksan lang muli ang pahina ng Mga Alaala, iklik ang Add Memories, at pagkatapos, sa drop-down, iklik ang Write, at ang tekstong inilagay mo dati ay mananatili pa rin doon sa pop-up window. Gumagana rin ang autosave feature na ito kapag ine-edit mo ang mga kasalukuyang mga alaala.
Salamat sa pag-aambag ng iyong mga alaala sa FamilySearch. Umaasa kami na ang update na ito ay makakatulong sa iyo na mas maging madali at mas kasiya-siya ang iyong karanasan sa pagpreserba ng mga kuwento ng iyong pamilya.
Mga Kaugnay na Artikulo
Sa FamilySearch nais naming maikonekta kayo sa inyong pamilya, at nagbibigay kami ng masasayang karanasan sa pagtuklas at paglilingkod sa family history nang libre. Bakit? Dahil mahalaga sa amin ang mga pamilya at naniniwala kami na mapabubuti ng pag-uugnay ng mga henerasyon ang ating buhay ngayon at magpakailanman. Ang FamilySearch ay isang non-profit na organisasyon na tinatangkilik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Para malaman pa ang tungkol sa aming mga paniniwala, mag-klik dito.