Libreng serbisyo sa pagpreserba ng mga record
Makipagtulungan sa FamilySearch para i-digitize, ayusin, at i-share ang iyong mga koleksiyon.
10,000+ na mga record custodian
ang nakipag-ugnayan na sa amin, kabilang ang mga simbahan at mga archive.
5 bilyong mga imahe
naprotektahan na para sa mga darating na mga henerasyon.
175+ na mga bansa
ay kasalukuyang nakapaloob sa aming koleksiyon ng mga record.
Ano ang aming inaalok
Nagbibigay kami ng libreng serbisyo para sa digital archiving. Narito ang maaari mong asahan:
- Mga kamera sa mismong lugar para i-digitize ang iyong mga record
- Mga imahe ng iyong mga record na mataas ang kalidad
- Pagpreserba sa FamilySearch gamit ang pinabagong mga format file

Bakit libre ang aming mga serbisyo
Ang FamilySearch ay isang nonprofit na organisasyon na may higit sa 125 taon na karanasan sa pagtulong sa mga tao na matuklasan ang kanilang pinagmulan. Nakikipag-ugnayan kami sa iba’t ibang archive sa buong mundo para maipreserba ang genealogy ng sangkatauhan.
Tingnan ang mga koleksiyon
Pumili ng lugar para tingnan ang mga historical record na naipreserba para sa susunod na mga henerasyon.
Ano ang sinasabi ng mga record custodian
Ricardo Grisi Velloso
Catholic Archdiocese ng Pariba, Brazil
“Binabati namin ang FamilySearch para sa mahalagang ambag na ito at hinihikayat ang iba pang mga ecclesiastical archive na seryosong isaalang-alang ang pagtanggap sa bukas-palad na alok ng responsableng at maingat na entidad na ito.”
Ole Magnus Mølbak Andersen
Deputy Director, National Archive of Denmark
“Ang Danish National Archives at FamilySearch ay nagkatulungan na nang halos 80 taon. Noong 1970, mahigit sa 40,000 rolyo ng microfilm ang nalikha. Sa huli, umabot sa halos 60,000 ang bilang. Nananatiling ligtas ang lahat sa mga granite mountain vault sa Utah.”
Regaldo Trota Jose
Archivist, University of Santo Tomas, Philippines
“Dahil sa FamilySearch, digitized na ang napakaraming record sa Pilipinas, kasama ang hindi mabilang na mga church register, na tumutulong sa atin na makita ang ating mga koneksiyon sa nakaraan para mas handa tayo sa kinabukasan.”
T.G. Mpundu
Archbishop ng Lusaka, Zambia
“Lubos kaming natutuwa sa mga nagawa na ng FamilySearch at patuloy pang ginagawa sa aspektong ito sa archdiocese na ito. Ito ay isang napakahalagang serbisyo sa Simbahan at sa buong bansa at sa sangkatauhan. ... Lubos kaming nagpapasalamat sa Diyos sa mabungang pakikipag-ugnayan sa FamilySearch!”
Simulan natin ang pag-uusap
Ang pagkamit sa iyong mga layunin sa pagpreserba ng iyong record ay hindi dapat maging mahirap. Itutugma ka namin sa isang taong pamilyar sa iyong lugar.
Makipag-ugnayan