Ninuno-Hunter at Historyador
Mona Magno-VeluzMona Magno-Veluz ay isang Pinoy genealogist at historyador. Gumagawa ring siya ng social media content sa ilalim na bansag na "Mighty Magulang" na naging viral sa Tiktok. Siya ay isa sa mga tagapangasiwa ng mga Pilipinong profiles sa genealogy platform na Geni.com at nagbibigay-ambag sa Philippine Genealogical Society. Nagsasalita siya sa mga pampublikong talakayan tungkol sa kapansanan, pamumuno at genealogy.
Nagkamit siya ng parangal na Bravo Empowered Women Award 2019 for Social Service at isa siya sa mga finalists para sa SHEro of the Year sa Asia CEO Awards 2019 -- para sa kanyang mga nagawa bilang Pambansang Pangulo ng Autism Society Philippines.